_pang-masa
^

Pang Movies

Robin, na-highblood habang nagde-deliver ng mga paninda ni Mariel

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Robin, na-highblood habang nagde-deliver ng mga paninda ni Mariel

Hindi kinaya ni Robin Padilla ang sobrang ­init at pagod habang nagde-deliver ng mga pagkain na negosyo ng asawang si Mariel Rodriguez. Sa kanyang Instagram page, nag-post ang aktor ng larawan niya habang nasa ospital.

Ayon kay Binoe, nahilo raw siya kaya kaagad siyang nagpunta sa ER (emergency room) ng isang ospital. Kasabay nito ay pinapurihan din niya ang mga delivery riders dahil hindi raw biro ang trabahong ito. “Isang malalim na pagpupugay sa mga delivery riders. Sa sobrang babad sa init kanina nahilo ako kaya kagyat ako nagpunta sa New Era General Hospital at nagpa check up,” ani Binoe sa caption.

Medyo mataas daw ang blood pressure niya pero other than that ay wala naman daw nakitang problema. “Normal naman ang lahat ng vital signs ko hindi lang ang BP ng 140/100 ako,” pagbabalita ng aktor.

Patuloy pa niya, “napakahirap ng trabaho ng mga delivery riders.

Babad sa init at usok tapos biglang uulan.”

Ikinuwento rin niyang nakatulog siya sa ER at paggising niya ay okay na raw siya’t nag-deliver na ulit. “Makaraan ang kulang isang oras pagkatapos ko makatulog sa emergency room ok na ako uli. Resume ng agad ng delivery.”

Sumagot naman si Mariel sa comment section at nagpasalamat sa mister. “Wow thank you so much babe,” ani Mariel.

Matatandaang nagbukas ng online meat shop si Mariel. Nagde-deliver sila ng steak at nakakatuwang si Robin nga ang kanyang delivery boy.

Alden, nagdalawang-isip sa TWBU

Aminado si Alden Richards na noong una niyang mabasa ang script para sa The World Between Us ay bantulot siya rito dahil ang gusto raw niya ay acting piece sana. “Nun’g una kong nabasa ‘yung script for The World Between Us, actually, I was a bit apprehensive about it,” pahayag ni Alden.

“But after thorough reading and explanation from the creatives, ibang klase kasi ‘to, eh,” patuloy ng aktor.

Ginagampanan ni Alden sa TWBU ang karakter ni Louie Asuncion na isang stereotyped good boy na tulad din ng mga karakter niya sa mga past teleserye niya. Pero may twist daw ang kanyang role at ito ang ikinagusto niya sa kanyang karakter.

ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with