_pang-masa
^

Pang Movies

Dedma sa career Marian kuntento sa pagbabantay ng mga anak

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Dedma sa career Marian kuntento sa pagbabantay ng mga anak
Marian

Naku, hindi masisisi si Marian Rivera kung mas gusto niyang manatili sa bahay kapiling ang pamilya kesa kumayod nang kumayod sa trabaho!

Aba, hindi na lang kasi ang panganay na si Zia ang kinaaaliwan niya ngayong kundi pati na ang bunso niyang si Sixto, huh!

Sa isang video na pinost ng fans nila ni Dingdong (Dantes), aba, makikitang nagbi-videoke si Ziggy. And take note, alam nang kantahin ng bata ang Bahay Kubo!

Hay naku, kahit sinong makapanood sa video ay todo puso ang emojis sa natutunang kanta ni Ziggy!

Bantay Bata nag-umpisa na

LUMARGA na si direk Joey Reyes sa paggawa ng bagong movie under Regal Entertainment.

Nagsimula nang mag-shooting kahapon ang pelikulang Bantay Bata.

Sa Instagram post ng Regal, tanging si Pepe Herrera lang ang kilala naming artista. Mga baguhang young stars ang kasama niya sa movie.

Anyway, sa gustong panooring muli ang old Regal movies sa TV, abangan ito sa Regal Treasures na pawang Regal movies ang mapapanood. Hindi lang kami sure kung sa GNTV ito o sa Heart of Asia channel ng GMA Network.

Ang dami kayang laman ng library of movies ng Regal, huh!

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with