^

Pang Movies

BB, takot sa demanda?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
BB, takot sa demanda?!
BB

Marami naman daw ang nanood sa show ni BB Gandanghari na ginanap sa isang maliit na resto bar sa California.

Ayos lang naman ang maliit na venue kasi nga raw iyon ay isang “intimate show” lamang.

Pero ang nakatawag sa ­aming pansin ay iyong sinabi nilang naka-apat na kanta si BB sa kanyang show na tumagal nang mahigit na dalawang oras.

Ibig sabihin pagkahahabang monologue noon, at kaya naging interesado ng audience na magbayad at manood ay dahil sa sinabi niyang ibubulgar na niya ang mga taong may kinalaman sa kanyang lovelife.  Sabi pa nga nila noong una,”ilalabas ni BB ang lahat ng lalaking nagkaroon ng kaugnayan sa kanyang buhay.”

Kaya, maliwanag na ang mga tao naghahanap talaga ng tsismis kaya nanood at nagbayad. Eh ano ba ang bagong tsismis,  alam na naman ng lahat na si Rustom Padilla ay isa na ngang transwoman na kilala ngayon bilang BB Gandanghari. Alam na rin naman ng lahat kung sino ang tinutukoy niyang bading din na naka-relasyon niya. Pero ang hinihintay nila, sabihin nang diretsahan ni BB kung sino iyon. Hindi niya sinabi iyon sa kanyang vlog.

Maraming umasa na sa live, aaminin na niya
kung sino iyon, pero wala pa rin. Takot ba siyang banggitin ang pangalan dahil baka idemanda siya, o takot siyang hingan siya noon ng komisyon sa kita niya?

Pero may ibang kinabahan din ha, kasi baka nga ibulgar ni BB na “sila ay naka-fling din niya”. Kasi sabi noong una “lahat ng lalaking may kaugnayan sa kanyang lovelife”. Lahat ng lalaking naging dahilan kung bakit naisip niyang kailangang pagpahingahin na si Rustom at buhayin si BB Gandanghari.

Pero aywan ha, masasabi bang mas napabuti ang kalagayan niya bilang BB Gandanghari?

Isang madaling araw nga nagising kami at ang nakita naming palabas sa telebisyon ay isang lumang action movie na ang bida ay si Rustom Padilla.

Nakakapanghinayang dahil bilang Rustom, bida siya sa pelikula at hindi performer lamang sa mga resto-bar na maliliit at sa harap ng mga taong ang hanap ay tsismis.

David Licauco, napikon sa bashers

Kawawa naman si David Licauco. Nakikita namang nagsisikap ito sa kanyang career at kung may pagkukulang man sa kanyang acting, hindi naman tama iyong kinukuyog siya ng mga troll na kagaya ng nangyayari ngayon kay Senador Manny Pacquiao.

Dapat tulungan si David na mailabas ang potentials niya. Pag-aralin, Isailalim sa acting workshop, at sa susunod, bigyan nang mahusay na director.

Kasi ang mga artista, hindi naman nila nakikita ang sarili nila habang nagte-taping. Iyong director ang nagbibigay ng instructions at nagsasabi kung ok ang eksena o hindi.

Aywan kung nagmamadali silang matapos kaya ayaw mag-retake, o talagang sa tingin nila ok na iyon.  Pero hindi mo puwedeng sisihin ang artista
sa palpak na acting. Responsibilidad iyan ng director.

Bashers at Trolls, iimbestigahan na rin sa Senado

Iimbestigahan na rin sa senado ang mga troll at basher. At sana may mangyari naman sa imbestigasyon nila.

Idinemanda na rin ni Kiko Pangilinan ang dalawang vlogger sa YouTube, at damay pa pati CEO ng Google. Napipikon na rin daw kasi ang anak ng isang female star na laging sinasabihan ng mga basher na, “nakakainis ka. Ang pangit mo. Wala kang binatbat sa kapatid mo”.

Kahit na magkapatid, mayroon talagang lumalabas na maganda at may pangit. Hindi naman nila kasalanan na sila ang naging pangit sa pamilya. Bakit naman sila ang kaiinisan at iba-bash kung pangit man sila sa paningin ninyo. At iyong pagsasalita ng “ang pangit mo. Wala kang binatbat sa kapatid mo,” paninirang puri at nakakaapekto sa mental health.

vuukle comment

BB GANDANGHARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with