^

Pang Movies

Cherie, hindi binura sa legal...

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Kasama sa pinalalabas na trailer ng GMA 7 ng Legal Wives ang mga eksena ni Cherie Gil na gumaganap bilang si Zaina Makadatu, ang ina ng karakter ni Dennis Trillo na si Ismael. Hindi tinapos ni Cherie ang taping, pero ipinakita ang kanya eksena para ipakilala ang mga karakter na kasama sa family drama na magsisimula nang mapanood sa July 26.

Binisita namin ang Instagram ni Cherie and in fairness to her, hindi nito dinelete ang pinost niyang mga larawan. May isa nga siyang larawan na pinuri si Shayne Sava na gaganap na kanyang apo sa Legal Wives and one talent to watch daw ito.

Bea at Dominic,lumantad na magkasama

Masaya ang fans nina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil finally, may nakita silang larawan ng dalawa na magkasama. Karamihan kasi sa pino-post ng rumored couple ay splice photos nila at bahala na ang makakakita na pagtagpi-tagpiin.

But this time, magkasama na ang dalawa at wala silang suot na face mask, kaya buong mukha nila ang nakita ng BeaDom shippers. Nangyari ito sa baby shower ni Beth Tamayo na ‘di kami sure kung sa bahay o hotel sa San Francisco, California.

Imbitado sina Dominic at Bea dahil tita ni Dominic si Beth at ang feeling ng fans, ipinakilala na ni Dominic na girlfriend si Bea. May nag-comment nga na si Beth lang pala ang magi­ging rason para makita nila sa photos sina Bea at Dominic na magkasama.

Kylie, naka-lock in na rin

Ang sabi, sa bahay muna nila sa Fairview nakatira si Kylie Padilla at ang kanyang dalawang anak habang inaayos pa ang bahay na kanilang lilipatan. Si Aljur Abrenica naman ay sa bahay daw ng parents nito sa Batangas umuuwi.

Ibinebenta na raw ni Aljur ang bahay niya sa Quezon City at bibili na lang siguro ito ng smaller house para sa kanya at sa kanyang mga anak kapag kasama niya. May usapan daw sila ni Kylie na co-parenting sa dalawa nilang anak, kaya nadadala niya ang mga ito sa Batangas.

Sa kanyang post, sinabi ni Kylie na back to work na ito at may nabanggit na may lock-in taping siya.

vuukle comment

CHERIE GIL

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with