^

Pang Movies

Kylie, itinanggi ang ‘relasyon’ kay JM!

STARTALK - Lolit Solis - Philstar.com
Kylie, itinanggi ang �relasyon� kay JM!

Sobra naman ‘yung twist ng story sa paghihiwalay nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Ngayon nadadamay na si JM de Guzman.

Na mabuti naman at mabilis na itinanggi ni Kylie.

Kakahiwalay lang ng dalawa, at baka puwede pang maayos, kaya sana huwag nang madagdagan ang kuwento dahil may dalawang anak ang dalawa.

Plus para namang masyadong magulo ang marital problem nila, may lumalabas na babae na ikinakabit sa pangalan ni Aljur, now naman si JM ang sinasabit kay Kylie.

Para namang masyadong twisted ang istorya na lalo pang makakagulo sa issue.

Sana lang bigyan muna ng space ang dalawa, pahupain muna ang mga issue, tapos mag-usap sila. Kung talagang hindi na maaayos, sila na mismo ang magbigay ng statement para wala nang wild speculations na marami pang ibang tao na nadadamay.

Kawawa rin ‘yung mga inosente na sumasabit dahil sa hiwalayan ng dalawa.

Away mag-asawa iyan, sila lang ang puwedeng umayos at nakakaalam ng mga totoong naganap.

Pelikula ni Tom Hanks, hindi makalimutan dahil sa mga aral

Ang sarap siguro ng buhay na walang complications. ‘Yung wala kang bigat sa balikat dahil nga hindi mo binibigyang malisya ‘yung mga wala namang katuturan na mga bagay sa paligid mo.

One reason kung bakit paborito ko ang movie na Forrest Gump dahil doon sa character ni Tom Hanks na full of innocence. ‘Yung atake niya sa buhay na lahat ng pangyayari normal lang, hindi binibigyan ng kulay o nilalagyan ng malisya.

Mas magaan ang pagdadala mo ng mga nangyayari sa iyo basta kung andun ang acceptance mo na ok lang ito. ‘Yung alam mo ang difference ng precious at importante sa iyo. ‘Yung meron kang detachment sa lahat ng bagay, kahit mabuti o masama, madali kang mag-move on, madali mong kalimutan.

Hindi kasi maganda na patuloy na naka-hang on ka sa isang bagay na dapat tanggap mong wala na sa buhay mo. Kung ayaw sa iyo, let go ka lang. ‘Yung nawala, hindi ganun ka-precious para patuloy mong maalala, madaling palitan iyon.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with