_pang-masa
^

Pang Movies

Nanay ng young actor, umiiral pa rin ang kaepalan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Philstar.com

Umiiral pa rin pala ang pagiging epal ng isang nanay ng kilalang young actor.

Ang epal ng madir ay sa mga entertainment writer! ‘Yun bang kapag isinusulat ang anak niya, eh banggitin daw ang pangalan niya, huh!

Gusto raw niyang malaman ng publiko na siya ang nanay niya! Proud na proud siya kapag nababanggit sa write-ups ng anak ang namesung niya!

Parang politician ang peg ng nanay ng young actor, huh!

Dumepensa...

Sinang-ayunan ni AiAi delas Alas ang depensa ni Jaclyn Jose laban sa isang director na hindi basura ang ginagawa nilang series.

“Tama ms best actress ang daming hirap at puyat hindi lamang artista kungdi mga tao sa likod ng kamera…

“Ang pinaghirapan at galing sa pusong gawain ay hindi maihahalintulad sa basura,” saad ni Ai Ai sa caption sa kanyang Instagram.

Wala mang direktang tinukoy ang director na network, ang GMA 7 ang hula ng netizens na pinatatamaan niya sa salita. Nagdirek na rin ng ilang series sa Kapuso ang nasabing director.

JACLYN JOSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with