^

Pang Movies

AiAi, nagsalita rin tungkol sa basura

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Philstar.com
AiAi, nagsalita rin tungkol sa basura
AiAi

Pati si AiAi delas Alas ay nag-react sa comment na “trabahong basura” at inayunan ng queen of comedy ang mahusay na aktres na si Jaclyn Jose na nagsabing lahat naghihirap para isang proyekto at iyon ay kailangang isipin muna bago magsabi na ang trabaho ay “basura.”

Tama rin naman ang opinion ng mahusay na writer at director na si Jose Javier Reyes, na siguro sa mga kuwentuhan ay may napag-uusapan at may mga salitang nagagamit, pero iba na ang dating niyan oras na iyan ay ilabas na sa publiko.

Basta ang ganyang opinion ay ipinahayag sa publiko, offensive na.

Sinabi ni AiAi, na hindi lamang ang mga director, writers at artista ng isang show ang nasasaktan basta sinabi mong iyon ay basura, kundi maging ang mga crew at production staff dahil bahagi sila ng trabaho at ang sabihin mo na ang ginawa nila ay basura, masakit iyon.

May nagbulong nga sa amin, marami raw ang naghahalungkat ngayon ng videos ng mga basura ring pelikula na ginawa nung nagsabi noon.

At ‘pag lumabas pa iyan lalala ang away.

Lahat naman iyan ay nagsimula dahil sa network war.

Nang magsara ang ABS-CBN matapos na ‘di makakuha ng panibagong prangkisa, nadagdagan pa ang sama ng loob ng mga naiwan lalo na noong mag-alisan ang ilan sa kanilang malalaking stars, na hindi mo naman masisisi dahil gaya rin ng karaniwang tao, kailangan nilang magtrabaho.

Alamat, gumagawa ng eksena sa international scene

Hindi lamang sila matagumpay sa mga bagong tunog ng awiting Pilipino kundi napagsasama-sama pa nila ang pitong iba-ibang katutubong wika sa kanilang mga kanta.

Iyon ang kaibahan ng grupong Alamat sa ibang boybands sa ngayon. Hindi lamang sila nagpapakilala ng bagong uri ng kanilang musika kundi pinalalawak pa nila ang kultura ng mga Pilipino gamit ang iba’t ibang wika.

Hindi rin sila puwedeng maliitin, dahil ang kanta nila ay nakapasok at nag-number two sa Billboard charts. Ibig sabihin napagsasama ng grupo ang mataas na kalidad ng musika at ang commercial viability.

Nakakatuwa na mga grupong ganyan na ang hangad ay iangat ang musikang Pilipino, hindi ‘yung nanggagaya lamang ng mga dayuhan ganoong bali-baliktarin mo man Pinoy naman ang mga hitsura.

Napakinggan din naman namin ang kanilang single na Kasmala at totoo namang nakakaaliw ang kanilang musika.

Iyang mga kabataang ganyan na nagsisikap hindi lang para kumita kundi para mapayaman ang kulturang Pilipino.

Huwag naman ninyong pipiratahin ang kanilang kanta. Bilhin ninyo nang tama, iyon lang ang paraan para muling makabangon ang industrya ng musika sa ating bansa na pinatay na ng piracy, inilibing pa ng pandemya.

Pero kung nakakakita kami ng grupong kagaya niyang Alamat, nagkakaroon kami ng pag-asang makakaahon pa ang industriya ng musika

Dating contestant ng noontime show, pinasok na ang ‘pagmamasahe’

Mayroong sinasabing isang naging contestant sa isang noontime show na dahil daw wala nang kayod ngayon, nag-aalok na lang ng kanyang serbisyo bilang masahista.

Hindi raw siya ang nakikipag-deal mismo kundi isang “agent,” pero kung ayos na ang deal at saka siya humaharap mismo.

Dati nabalita ring nagtrabaho siya sa abroad, pero dahil nakulong na nga siya ng pandemic, isang taon nang mahigit, ubos na rin ang kanyang ipon kaya nakumbinsi siyang pumasok sa ganoong trabaho.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with