_pang-masa
^

Pang Movies

Marian, most followed celeb pa rin sa FB

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian, most followed celeb pa rin sa FB
Marian

Na-maintain ni Marian Rivera ang pagiging number 1 sa listahan ng most followed celebrity sa Facebook na may 25.38 million followers.

Pinasalamatan ni Yan sa kanyang Instagram ang mahigit 25 million followers sa FB. “Aww salamat po. Kita-kits,” saad ng Primetime Queen at nangakong magkakaroon ng FB live.

Mula sa report ng dailypedia.net ang report at inilabas sa Twitter ng gmanetwork.com. Tinalo ni Marian ang mga artista at personalidad na napabilang sa listahan gaya nina Angel Locsin, Anne Curtis, Manny Pacquiao, Ivana Alawi, Vice Ganda, Sarah Geronimo at iba pa.

Congratulations, Marian.

Bitoy, ibubunyag ang love story nila ni Elsa

Magsisilbing narrators sina Michael V. at Manilyn Reynes sa prequel ng sitcom na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento sa pag-ere nito ngayong Sabado.

Pinili ni Bitoy, tawag kay Michael V., ang prequel dahil maraming hindi nakaaalam sa kuwento nila ni Elsa (Manilyn) nung  bata pa sila. “It will be relatable too! Masayang alalahanin ang love story namin ni Elsa,” saad ni Bitoy sa virtual mediacon ng sitcom.

Sina Mikee Quintos at Sef Cadayona bilang young Pepito at Elsa. Ang lalabas na Patrick (John Feir) ay si Kokoy de Santos. Kabilang din sa prequel sina Pokwang, Gladys Reyes, Archie Alemania at EA Guzman.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with