^

Pang Movies

Jaclyn, napa-react sa patutsada na ‘basura’

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Jaclyn, napa-react sa patutsada na �basura�
Jaclyn

Nag-react ang aktres na si Jaclyn Jose sa patutsada ng isang director na wala rin naman daw kuwenta kung ang ginagawa ay “basura” kahit na ikaw ay nasa isang network na may prangkisa.

Sinabi ni Jaclyn na nakikita niya sa simula pa lang ang paghihirap ng crew na itayo ang mga tent na gagamitin ng mga artista at iba pang staff sa kanilang taping. Ganundin ang hirap ng writers sa pagbuo ng isang kuwento na iniisip nilang magugustuhan ng kanilang audience.

Higit sa lahat ang trabaho nilang mga artista na nagbabasa at nagsasaulo ng mahahabang scripts at nag-iisip kung papaano nila maisasabuhay ang character na kanilang ginagampanan.

Sinabi ‘yan ni Jaclyn na kaisa-isang aktres na Pilipino at Asean na nanalong best actress sa Cannes, na ‘yan ang ginagawa nila upang maihatid sa audience kung ano ang pinaniniwalaan nilang maganda. Tapos sasabihin  na “basura naman ang trabaho.”

Ang patutsadahan ‘yan ay bahagi pa rin ng nananatiling network wars, at hindi nga siguro maikakaila na matindi ang sama ng loob at damang-dama ng ilang nasa ABS-CBN ang dagok ng paglayas sa kanila ng ilang itinuturing nilang malalaking stars, kaya siguro dahil sa sama ng loob at ang feeling na iniiwan sila dahil “lugmok kami ngayon” ay gumanti naman sila ng salitang “may prangkisa nga basura naman ang trabaho.”

Pero ‘di ba nga ang pagsasabi ng “basura ang trabaho” ng isang kakumpitensiya ay labag sa tuntu­nin ng propesyonalismo. Hindi dapat sinasabi iyan lalo na sa isang kakumpitensiya. Papaano kung balikan ka ng tanong na “hindi ba gumawa ka rin ng basura at mahalay pang pelikula ng mga bakla”?

Hindi rin naman masasabing lahat nang ginawa ng isang network ay matatawag ngang world class. Baka magkabilangan kung sino ang nakatanggap ng mga mas mahahalagang pagkilala at parangal sa abroad.

Kagaya nga niyan ang isa sa nasagasaan at napagsabihang “basura ang trabaho” dahil nilahat, si Jaclyn Jose na best actress sa Cannes. At ang nagsalita, hindi pa nasabing nakatuntong sa Cannes. At ang mas matindi pang balik “lagi siyang nominee lang, hindi pa nananalo ng award.”

Pauleen, nagpaliwanag sa face mask ni Tali

Kamakailan lang, nagbanta na si Vic Sotto sa mga gumagawa ng hindi totoong tsismis sa social media, at sinabi niyang “may kalalagyan kayo.”

Pero mukhang talagang walang sawa ang mga tinatawag na “social media specialists.” Ang pinakialaman naman noong isang araw, si Tali na sinasabing walang suot na face mask, samantalang ang nanay na si Pauleen Luna, na kasama sa picture may face mask.

Nagpaliwanag na lang si Pauleen na kasi nga nag-picture taking, at ang bata inaalis ang kanyang face mask kung nahihirapan nang huminga.

Totoo naman iyon. Tanungin ninyo kahit na sinong matinong doctor, iyong matino ha, sasabihin sa inyo na masama rin ang prolonged use ng face mask, kasi nagkukulang ang oxygen na pumapasok sa katawan, nalalanghap mong muli ang carbon dioxide na iyong inilabas, at maaaring maging dahilan iyan para mawalan ka nang malay tao. At sabi nga ni Pauleen, nasa gitna sila ng isang malawak na bakanteng lupa at wala namang ibang tao roon kundi sila lang.

Bakit nga ba ang mga social media specialist na iyan ay nakikialam pa sa pag-iingat ng mga magulang sa kanilang mga anak?

vuukle comment

JACLYN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with