^

Pang Movies

Coco at Julia, abala sa trabaho

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Doble ang tuwa ng fans nina Coco Martin at Julia Montes dahil magkasama na sa pelikula ang dalawa, first time rin nilang nakikita sa mga larawan na kita ang mga mukha. Nakukunan ng litrato ang dalawa na walang suot na face mask at face shield at hindi na kailangan pang makiusap ang fans na kunan sila ng larawan na magkasama.

Kailangan lang tumiyempo ng fans na magkatabi sina Coco at Julia kapag breaktime ng shooting at sila’y nag-uusap at puwede nang kunan ng litrato.

May larawan pa nga na magkaangkas sa motorsiklo sina Coco at Julia, kaya lang, may kasakay silang dalawang bata, kaya may social distancing sina Coco at Julia.

Sa Pola, Mindoro ang shooting nina Coco at Julia, pero wala pang binabanggit na title ng movie na dinidirehe ni Brillante Mendoza. Sa nakita naming pictures, pulis ang role ni Coco at teacher ang role ni Julia.

Sinugod ng Kapamilya fans...

Sinaway si Jaclyn Jose ng netizens na hindi siya dapat humihingi ng pasensya sa Kapamilya fans na nag-react sa post niya tungkol sa “basura” isyu. Nagpahayag kasi ng saloobin si Jaclyn sa naging pahayag ni director Andoy Ranay na “aanhin mo ang franchise kung basura naman ang trabaho.”

May ilang Kapamilya fans kasi na sumugod sa Instagram ni Jaclyn at nag-react sa post nito. Sa halip na pagsabihan, “pasensya na” ang sagot ni Jaclyn, kaya ang payo sa kanya ng netizens, ‘wag siyang humingi ng pasensya dahil kahit gaano kaganda ang mensahe niya, hindi ‘yun pakikinggan.

Nabanggit kasi ni Jaclyn na lahat naghihirap para mapaganda ang kanilang trabaho at makapagbigay ng magandang episode sa viewers. Ang tinukoy ni Jaclyn ay ang hirap ng buong team ng The World Between Us sa taping at hindi basura ang kanilang ginagawa.

Pati nga si Sandy Andolong napa-react sa Kapamilya fans at ang sabi, “read her reply to me very well para maintindihan mo maigi iha.”

May reaction din si Annette Gozon-Valdes sa pahayag ni director Andoy Ranay at ang sabi nito, “You can see the character of a person with the words that come out of his mouth. Let’s just pray for him hehe.”

Kristoffer at Liezel, hindi maganda ang breakup

Dahil siguro kay Kristoffer Martin, kaya bawal sa mediacon ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ang magtanong ng personal question. Break na kasi sina Kristoffer at Liezel Lopez at sa mga nababasa sa tweets, bad breakup ang nangyari sa dalawa, kaya uso sa kanila ang parinigan.

Hindi pa diretsahang inamin ni Kristoffer na hiwalay na sila ni Liezel, pero si Liezel, sinabi sa TikTok na nakipaghiwalay na siya kay Kristoffer na sagot niya sa tanong kung bakit hindi siya kasama ni Kristoffer sa bakasyon ng aktor sa Bohol.

Sa lock-in taping ng Babawiin Ko Ang Lahat nagsimula ang relasyon nina Kristoffer at Liezel. Obviously, hindi sila nakinig na ‘wag makipagrelas­yon sa lock-in dahil ang mga ganitong relasyon ay mabilis matapos na nangyari na nga.

Mukha namang naka-move on na si Kristoffer o nasa proseso siya ng moving on dahil sa mediacon, masaya siya at hyper. Siya yata ang pinatungkulan ng mga kasama sa Pepito Manaloto: Ang Unang K uwento sa mga salitang malaya.

Samantala, interesting ang role ni Kristoffer sa  Ang Unang Kuwento bilang si Wendell na bully noong bata pa, ‘yun pala ay closet gay at in love kay Pepito Manaloto (Sef Cadayona). Nag-out lang si Wendell noong binata na siya.

Bukas, Sabado, 6:15 p.m., na ang pilot ng Ang Unang Kuwento na sabi ni Michael V., napu-foresee niyang maging successful din gaya ng original na Pepito Manaloto. 

vuukle comment

COCO MARTIN

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with