_pang-masa
^

Pang Movies

Lovi, pinag-iisip ng fans!

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Lovi, pinag-iisip ng fans!
Lovi

Nako-confuse ang fans ni Lovi Poe kung totoong ang chikang may balak mag-over the bakod ang kanilang idol na kararating lang galing Amerika.

Nagtataka raw sila bakit pa lilipat sa Kapamilya ang actress gayung mukhang inaalagaan naman siya ng GMA.

Think twice muna raw dapat si Lovi sa paglipat sa kabilang istasyon.

Rita, sa replay napapanood

Maraming humahanap sa magaling na aktres na si Rita Avila. Bakit daw bibihira na siyang mapanood sa mga teleserye ngayon. Mabuti na lang daw kasama siya sa nire-replay na Innamorata. Napapanood nila uli si Rita bilang api-apihang nanay ni Max Collins sa nabanggit na serye.

May pinagkakaabalahang book para sa mga bata ang aktres sa kasalukuyan. Marami na siyang na-publish na children’s book.

Drew, bagay sa DOT

Maraming nagsasabi na dapat daw kay Drew Arellano ay magka-posisyon sa Department of Tou­rism. Imagine narating na niya ang iba’t ibang parte ng Pilipinas at natikman ang special delicacies ng iba’t ibang probinsya.

Minsan nga naikuwento ni Drew na napaiyak daw siya noong pumunta sa Surigao dahil sa ganda ng lugar na mistulang paraiso ang mga tanawin. Naitatanong tuloy niya kung bakit nagkukumahog ang mga kababayan nating mag-around the world gayung nasa Pilipinas naman pala ang lahat ng hinahanap natin.

Mapapansin kay Drew na wala siyang feeling sikat na nararamdaman at mapaghanap sa pinupuntahan sa kanyang travel show na Biyahe ni Drew na napapanood sa GTV.

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with