_pang-masa
^

Pang Movies

Heart at Chiz, umaasang magkakaanak pa!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Heart at Chiz, umaasang magkakaanak pa!
Heart at Chiz

Bago napangasawa ng singer-actress, painter at fashion icon na si Heart Evangelista ang kanyang mister ngayon na si Sorsogon Gov. Chiz Escudero, she had a string of relationships with different actors na sina John Prats, Jericho Rosales, Geoffrey Eigenmann at Daniel Matsunaga. Pero inamin ni Heart na crush na niya noon pa ang dating senador na si Chiz.

It was in 2009 nang hindi inaasahang magkita accidentally sa airport ang dalawa.

Hindi ikinakaila ni Heart na hanggang ngayon ay kinikilig pa rin umano siya sa kanyang mister lalo na kapag naalaala niya ang kanilang chance encounter sa airport in 2009 ha inakala pa niyang snob ang kanyang mister.

Samantala, hanggang ngayon ay patuloy pa ring umaasa ang mag-asawang Heart at Chiz na mabibiyayaan pa rin sila ng sarili nilang anak matapos magka-miscarriage ang singer-actress in May 2018.

Janine, ginawang inspirasyon ang heartbreak

Hindi ikinakaila ng 22-year-old Viva recording artist, singer-songwriter and hitmaker na si Janine Tenoso na lahat ng songs na kasama sa kanyang bagong EP (extended play) album ay sinulat niya when she was alone in her room.  Kasama rito ang kanyang unang collaboration with singer-songwriter na si Arthur Nery sa awiting Pelikula.

Ayon kay Janine, nabuo umano nila ni Arthur ang Pelikula song sa pamamagitan lamang ng kanilang constant Instagram chat dahil nasa Maynila si Janine habang nasa Cagayan de Oro naman si Arthur.

Samantala, hindi naman ikinakaila ng singer-songwriter na galing umano siya sa isang heartbreak separation sa kanyang ex-boyfriend na halip na siya’y magpaapekto sa kanilang paghihiwalay ay ginawa niya itong inspirasyon para makapagsulat ng mga bagong songs as part of moving on.

Xia, nasa loob na lang ng bahay

Isa ang childstar na si Xia Vigor sa umaasang muli siyang makakagawa ng movies o TV series dahil parati lamang umano siya sa loob ng kanilang bahay sa Mindoro although pinagkakaabalahan din niya ang kanyang online class at pagiging vlogger.

Ang 12-year-old Fil-British child star ay siyang kauna-unahang grand winner ng Mini-Me segment ng noontime show na It’s Showtime in 2015 na siyang naging daan ng kanyang pagpasok sa showbiz. Naging participant din siya sa kauna-unahang The Voice Kids Philippines ng ABS-CBN.

Si Xia ay huling napanood sa box office hit movie na Miracle In Cell No. 7, isang Philippine adaptation ng hit Korean movie of same title na pinagbidahan ni Aga Muhlach under Viva Films.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with