^

Pang Movies

Mga nagdi-display sa mall, mainit sa mata ng mga mandurukot

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga nagdi-display sa mall, mainit sa mata ng mga mandurukot
Alice

Kaloka rin ‘pag gaya ni Alice Dixson na nadukutan sa isang kilalang mall.

Kahit kasi maraming guard at mahigpit ang security, imposible talagang maiwasan ‘yung mga pickpocket o snatcher.

Kahit nga maingat ka pa, at lalo pa nga hindi ka nag-akala na isang sosyal na mall mangyayari ito. Hinayang na hinayang si Alice dahil nandun sa phone niya ang magagandang photos na mahalaga sa kanya. Dapat ngang sobra ka sa ingat ngayon dahil sa financial crisis kaya siguro nagkalat ang mga pickpocket at snatcher.

Sabi nga, ikaw mismo ang huwag magbigay ng temptation para dukutan ka. Huwag ipakita ang mahal na phone, pagsusuot ng mamahaling alahas, ‘yung mga signature bag na baka ma-snatch. At higit sa lahat huwag pagala-gala sa mall kung hindi importante noh! O kaya sa Evia Mall lang pumunta, at sa All Day Supermarket lang buy, para iwas sa dukot.

Aljur, ayaw nang maalala ang memories sa bahay

Grabe naman pala na pati ‘yung bahay na napundar daw ni Aljur Abrenica noong binata pa siya ay ibinebenta na.

Ang alam ko, si Kaye Dacer ang binilhan ni Aljur ng bahay na iyon, bakit kaya ipinagbibili na raw ngayon? Dahil kaya ayaw na nilang maalala pa ang memories ng bahay kung saan sila tumira noon ni Kylie Padilla? Doon na rin isinilang ang dalawa nilang anak, hanggang nito ngang maghiwalay silang dalawa. Dahil kaya sa conjugal property na ito at dapat maghati sila?

Sayang naman kasi matagal na ring pag-aari ito ni Aljur.

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with