_pang-masa
^

Pang Movies

Janella, itutuloy ang kaso sa basher ng anak!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Janella, itutuloy ang kaso sa basher ng anak!

Desidido pa rin si Janella Salvador na sampahan ng kaso ang bashers na nang-bully sa baby nila ni Markus Paterson. Sinabi ito ng aktres kanyang latest interview with Dra. Vicki Belo para sa YouTube vlog nito.

Matatandaang matindi ang pamba-bash na naranasan ng baby ni Janella na kahit naman sino talagang magulang ay magagalit. Isa na nga rito ay ang komentong sana raw ay magka-COVID ang kanyang anak.

“I didn’t know how to feel when I first saw the comments about Jude. I was trying to think, ‘are they just joking or what?’ Kasi like who would pick on a baby? What kind of humor is that?” sey ni Janella.

“You know, to each his own. But at the same time, I realized it’s not okay ‘cause it’s a form of bullying talaga. So, I’m gonna stand up for Jude. I’m gonna do anything for my son. So, I stood up for him,” patuloy niya.

Aniya, sanay naman siya sa mga pamba-bash bilang nasa industriya siya pero bilang ina, ibang usapan na kapag ang anak niya ang binu-bully.

“They think kasi wala lang pero as a mom, even if I’m in this industry, like I’m used to bashing directed towards me, when it’s towards Jude, it’s not okay,” saad ng aktres.

Kaya naman magsasampa raw talaga sila ng reklamo and kumonsulta na rin siya ng lawyer tungkol dito.

“We were gonna push through the complaint. Well, I’m still planning to. But, I’m just praying about it for now because we have so many things to make asikaso. We’ll see,” aniya.

Willie, nag-ayuda sa mga sundalo

Naglaan ng P5.2 million si Willie Revillame mula sa kanyang sariling bulsa para makatulong sa naulila ng mga sundalong nasawi sa Sulu crash last July 4.

Bawat pamilya ay tatanggap ng P100,000 mula sa TV host kasama na ang tatlong sibilyan na nadamay sa aksidente. Pinaabot niya ang kanyang tulong sa pamamagitan ng AFP (Armed Forces of the Philippines) spokesperson na si Marine Maj. Gen. Edgard Arevalo.

Labis na ikinalulungkot ni Willie ang sinapit ng 49 sundalo na papunta pa lang sa laban subalit hindi pa man ay nasawi na ang mga ito dahil sa pag-crash ng eroplanong sinasakyan ng mga ito.

“’Pag napanood ko ‘yung pamilya, ‘yung tatay na umiiyak, ‘yung mga anak na walang kamuwang-muwang, ako ho personally, gagawa rin ako ng personal kong pagtulong. Ipagkakaloob ko po sana sa bawat pamilya ng bawat naulila, pati po sa sibilyan.

“Maglalaan po ako ng tig-P100,000 sa bawat pamilya pong naulila, and then 3 sibilyan po na naulila rin ang pamilya. Ito po ay sa sarili ko pong bulsa, personal ko pong pera ‘to,” pahayag niya sa pag-uusap nila sa telepono ni Major Gen. Arevalo na napanood sa Wowowin.

Hindi ito ang unang pagkakataon na tinulungan ni Willie ang ating mga sundalo. Noong 2017 ay nagpaabot siya ng tulong na nagkakahalagang P2 million para sa mga naulilang pamilya ng mga sundalong nakipaglaban sa Marawi (Marawi Siege) at P1 million para sa mga sundalong sugatan. Bukod dito ay nagkaloob din siya ng brand new house ang lot sa tatlong masu­werteng miyembro ng AFP.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with