_pang-masa
^

Pang Movies

Sleep scientist at professional model, wagi sa BB Pilipinas Miss International

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sleep scientist at professional model, wagi sa BB Pilipinas Miss International

Walang Binibining Pilipinas Universe sa katatapos na Bb. Pilipinas pageant mula sa Binibining Pilipinas Charities.

Wala naman kasi sa BPC ang franchise ng Miss Universe kaya ang Binibining Pilipinas International ang main title na pinaglabanan. Nasa pamamamala na ang Miss Universe PH ni former Miss Universe finalist na si Shamcey Supsup.

Ang Masbate native na si Hannah Arnold ang nanalong Miss International Philippines 2021. Isa siyang sleep scientist at professional model.

Bukod kay Hannah, ang iba pang winners ay sina Samantha Alexandra Panlilio, Bb. Pilipinas Grand International; Cinderella Faye Obenita, Miss Philippines Intercontinental at Maureen Anne Montagne, Bb. Pilipinas Globe.

Naaliw naman ang audience sa boo-boo ni former Miss Universe Catriona Gray nang magkamali sa pagtawag kay Miss Valenzuela na Miss Venezuela.

Angel, walang malipatan!

Mas mabuting manahimik na lang si Angel Locsin kung hindi niya lalayasan ang Kapamilya network.

Hindi ‘yung tila may parinig pa siya sa Kapa­milya artists na lumipat sa Kapuso Network.

At least ang mga artistang ito, may tumanggap sa ibang network, huh! Kailangan nila ng hanapbuhay so sumipat na sila eh wala siyang pakialam!

Palibahasa, hindi na matatanggap ng GMA si Angel na nilayasan niya noon! 

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with