Mr. M at dating Kapamilya exec, sasalubungin sa GMA
Any day this week na magkakaroon ng big welcome kina Mr. M (Johnny Manahan) at Ms. Mariole Alberto, ang executives ng GMA Network. Doon na natin malalaman kung ano ang magiging position nila sa network, kahit may balita nang magiging consultant sila pagdating sa Kapuso shows at sa talents nila.
Ang tanong ay kung sino raw ang dalawang artista na makakasabay nina Mr. M at Ms. Mariole na lilipat. May mga pangalan nang binanggit tulad ni Sarah Geronimo, pero umapir na muli siya sa ASAP last Sunday, kaya mukhang malabo na at ipalalabas lamang sa GMA Pinoy TV ang kanya Tala virtual concert.
Wala pa ring balita kay Piolo Pascual na kasalukuyang nasa Los Angeles, California at ini-expect ng fans na magkikita sila roon ni KC Concepcion.
Jessy, mas gustong maging full-time wife at mommy
Kahit si Jessy Mendiola ay nagsabi na ring hindi siya lilipat sa GMA Network, dahil after a year na wala na siya sa ABS-CBN, mas gusto na niyang bigyan ng oras ang pagiging wife to Luis Manzano at gusto na rin daw niyang magkaanak sila.
Dream ni Jessy na siya ang personal na mag-aasikaso kay Luis at sa mga magiging anak nila. Iyong siya ang sasalubong kay Luis sa pagdating nito from work at siya rin ang magluluto at magpapakain, personal na mag-aalaga sa mga magiging anak nila.
Pero habang wala pa silang anak ni Luis, puwede pa rin daw siyang mag-guest kung maiimbita siya.
Alden may pangarap na gustong matupad
Ngayong sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez na ang napapanood sa The World Between Us gabi-gabi, lalong nagti-trending sa Twitter ang serye at tumataas ang rating nila, ganoon din ang views nila sa YouTube.
Nagustuhan ng viewers ang takbo ng story ng serye na dinidirek ni Dominic Zapata. Gusto na nilang malaman kung paano magsisikap si Louie (Alden) para matupad ang pangako niya sa namatay na ina.
Napapanood ang teleserye gabi-gabi after ng 24 Oras.
Kylie, bubuhayin ang career sa Kapuso
Mukhang masayang-masaya si Kylie Padilla sa mga naglabasang photos niya matapos maging official na ang paghihiwalay nila ng asawang si Aljur Abrenica, na aprubado naman sa ama niyang si Robin Padilla. Lumipat na rin si Kylie kasama ang dalawang anak na lalaki nila ni Aljur sa ibang bahay.
Tiyak na ang pagbalik-GMA Network ni Kylie dahil balitang naka-freeze lamang ang kanyang contract na iniwan niya nang magbuntis siya sa panganay nila ni Aljur at hindi na niya natapos ang epicserye nilang Encantadia. Nang puwede na muling bumalik si Kylie, ginawa niya ang Toda One I Love with Ruru Madrid, pero after ng romantic-comedy series, muling nagbuntis si Kylie sa second son nila ni Aljur at nahinto siya muli.
- Latest