^

Pang Movies

Pambibintang na bading sa mga ­artista, nakakatulong

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Siguro nga baptism of fire ng new stars na lalaki ‘yung pagbintangan silang gay o asawa ng gay. Halos lahat yata ng artista nagkaroon ng tsismis na ganito. Kaya nagtataka ako kung bakit kailangan i-dignify at sagutin ng mga artista na ginagawan ng ganitong tsismis. Hayaan lang, hanggang nawawala na lang.

Katawa-tawa nga madalas dahil kung minsan ‘yung ginagawan ng tsismis na gay, sobra pala ang hilig sa babae. At iyon namang ibang sinasabi na pumapatol sa gay, kadalasan gawa-gawa lang mismo ng mga gay.

Ito ang kadalasang sign na interesado sa iyo ang publiko, dahil unang pasok mo pa lang, tsismis na agad ang sumasalubong sa iyo.

Kung minsan nakakatulong pa sa newcomer dahil bigla silang nakikilala dahil sa tsismis ng kabaklaan.

Mga celeb, na may bag at shoe collections, nakakabilib ang pag-iingat

Hanggang ngayon hangang-hanga ako sa mga celebrity na ang daming collection ng bags at shoes. Kasi nga, ugali ko na hanggang buo pa at hindi sira ang bag at slipper ko, hindi ko pinapalitan. At pangit din palang ugali iyon, dahil merong leather na ‘pag hindi mo naga­mit nang matagal nagsisira at nababakbak.

Tulad ng Gucci bag na bigay sa akin ni Lorna Tolentino na dahil nagbakbak ang balat nakiusap ako kay Louie Tolentino na isang painter sa Obra ni Nanay na pintahan para matakpan ang bakbak na leather.

‘Yung Prada slipper ko na bigay ni Dra. Vicki Belo, nakita ko na lang na ‘yung tapakan sira na at lumalabas ang foam, ng ipapa-repair ko, hindi na maganda kaya ipinamigay ko na rin kahit hindi pa nagamit.

 ‘Pag mamahalin kasi, siguro nga may special care na dapat ibigay.

Kaya parang hindi rin practical na marami kang mamahaling gamit pero hindi mo maalagaan. Saka hayun nga, kung kagaya ko na sira na bago bitawan ang isang gamit, hindi kailangan ng maraming collection. Pero dahil kadalasan, bigay lang ang mga gamit ko, kaya hayan, ‘pag nasira hindi ko alam ang presyo hah hah hah.

Kasi nga mahilig ako na ‘pag ‘yung bag na gamit ko parang magaan ang pasok ng pera, hitsura na three years ko nang gamit, iyon pa rin ang gagamitin ko. ‘Yung slipper basta hindi pa bakbak, iyon lang lagi. Pinapalitan ko lang ‘pag bumubuka na ang suwelas.

Hanggang ngayon nga, ‘yung regalo na Birkenstock ni Iza Calzado ang ginagamit ko dahil hindi pa sira, ang tibay niya ha eh ilang years ko nang ginagamit, binigyan na nga ako ng bago ni Salve at Mayette dahil siguro akala iisa lang ang slipper ko, hah hah. Kaya hanga ako sa papalit-palit ang bag at shoes, talent din iyon ha.

vuukle comment

ARTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with