_pang-masa
^

Pang Movies

Short hair ni Heart, pang-raket lang

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Short hair ni Heart, pang-raket lang
Heart

Ginulat ni Heart Evangelista ang netizens nang i-post ang mga larawan niyang maiksi ang buhok. Tapos, sabi pa nito, “I cut my hair. Just kidding, this is totally a joke. I just doing it for a shoot, but it’s kind of cute,” sabi nito.

Tinanong pa ni Heart ang kanyang followers kung puwede siguro siyang magpagupit, pero binawi rin, “I can’t. I can’t do it.”

Hindi na binanggit ni Heart kung para saan ang shoot niya at kailangang short ang kanyang hair.

Isa pang third party kina Aljur at Kylie, nagsalita na rin

Pagkatapos i-link si Cindy Miranda kay Aljur Abrenica at akusahang third party sa paghihiwalay nina Aljur at Kylie Padilla na itinanggi ni Cindy, si Maika Rivera naman ngayon ang inaakusahang third party kina Aljur at Kylie.

Bale ba, siguradong-sigurado ang netizen na nag-akusa kay Maika at sa Asintado raw nagsimula ang kanilang relasyon. Dahil may nag-tag kay Maika, nalaman nitong idinadawit siya sa isyu at mabilis na sumagot.

“Hi guys. Siguraduhin niyong tama muna mga “chika” niyo bago kayo mag comment sakin ng kung ano ano. Asintado? Never ako nag-Asintado. May God bless you all.”

May nagkorek na sa Sandugo nagkasama sina Aljur at Maika and in fairness, may nag-sorry kay Maika. Mabuti raw at sinagot at nilinaw niya ang niya ang pagkakadawit sa intriga

Speaking of Aljur, sa kanyang IG Stories, mapapanood pa rin ang bonding nilang mag-aama sa Batangas, sa lugar ng kanyang parents. Makikita si Alas na nag-e-enjoy sa paglalaro at tila may igi­nuguhit sa lupa. Karga naman ni Aljur ang bunso.

Lolong stars, kanya-kanyang bitbit ng mga gamit sa lock-in

Sa Edsa Shangrila-Edsa rin pala nala-quarantine ang cast ng Lolong habang hindi pa sila dinadala sa location ng kanilang lock-in taping. Dahil matagal ang lock-in taping, kanya-kanya nang dala ang cast ng mga gamit na kailangan nila sa taping.

Si Shaira Diaz, kasama sa bibitbitin sa taping ang cubic painting ng BTS na kanyang paborito.

Appliances naman ang bitbit ni Arra San Agustin, mula sa coffee maker, rice cooker, at portable washing machine.

Parehong nag-renew ng kanilang kontrata sa GMA Artist Center sina Arra at Shaira at silang dalawa ang makakapareha ni Ruru Madrid sa Lolong.  Si Shaira, minsan nang na-link kay Ruru, bago pa maging sina Ruru at Bianca Umali, kaya walang rason para pagselosan siya ng fans nina Ruru at Bianca.

DongYan, hindi na naisyuhan sa second jab

Fully vaccinated na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera laban sa COVID-19 at sa Venice Grand Canal Mall sa McKinley Hill, Bonifacio Global City, Taguig uli sila nabakunahan, gaya ng kanilang first dose.

Walang isyu na hindi pumila sina Dingdong at Marian sa pagpapabakuna nila ng second dose ng Sinovac, hindi gaya noong una nilang bakuna na inakusahang hindi pumila ang mag-asawa.

For their second jab, si Dingdong na ang nag-post sa IG stories na nakapila sila ni Marian habang naghihintay tawagin. Ang kaibahan lang, nakaupo na sila at hindi nakatayo.

Dahil fully vaccinated na sina Dingdong at Ma­rian, umaasa ang DongYan fans na kasunod nito ay ang pagpayag na ni Marian na gawin na nila ang sitcom nila ni Dingdong. O ‘di kaya’y gumawa na uli siya ng teleserye.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with