_pang-masa
^

Pang Movies

Anne, nanatiling most followed

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Anne, nanatiling most followed
Anne

Si Anne Curtis pa rin ang nananatiling Philippines’ top Instagram personality with 17 million followers.

At maging sa Twitter, si Anne rin ang most followed local personality with 14 million followers. “Sending 17 million kisses out to the Instagram world,” post ni Anne sa IG.

Ginagamit ni Anne ang kanyang social media influence para sa kanyang advocacy, lalo kapag may kinalaman sa mga kabataan.

Isa si Anne sa tumutulong sa pag-raise ng funds for children’s welfare ng UNICEF.

Ngayon ay pati ang kanyang anak na si Dahlia ay meron na ring social media presence dahil sa ine-endorse nilang diaper product.

Noong December 2020, si Anne ang nanguna sa Top 100 Digital Stars in Asia by Forbes magazine. Nakasama rin sa list sina Vice Ganda, Angel Locsin, Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Marian Rivera, and Sarah Geronimo.

David, sasagarin muna ang pagpapa-cute bago maghubad sa pelikula

Dahil nauuso na naman ang mga sexy movie, handa raw ang Kapuso hunk na si David Licauco na subukan ito.

May malaking advantage si David dahil maraming netizen na parating inaabangan ang mga sexy pictorial niya for Bench Body. Kung sakaling gumawa ng sexy movie, tiyak na maraming beki ang manonood nito, mapa-big screen or streaming. “Bakit naman hindi? Nag-usap naman kami ng manager ko na puwedeng iyon na ang next step sa career ko. Kung magpapa-sexy ako, gusto ko all out na. ‘Yung ipapakita ko na lahat, ‘di ba? Para walang mabitin!” tawa pa niya.

Sa ngayon daw, pa-wholesome muna si David sa mga susunod na projects niya sa GMA. “Gusto ko munang sagarin ang pagpapa-cute sa mga teleserye. May mga role pa akong gustong gawin on TV at may mga gusto rin akong makatrabaho pa. Like sina Barbie Forteza and Bea Alonzo. Si Barbie, nakasama ko siya sa Heartful Cafe. Marami akong natutunan sa kanya na paraan sa pag-arte. Si Bea naman, fan ako ng loveteam nila ni John Lloyd Cruz. Tsaka magaling umarte si Bea kaya gusto ko rin siyang makasabay sa pag-arte.”

Kabilang pala si David sa pinag-renew ng kontrata ng GMA Artist Center.

J.Lo, best time of her life ang balikan nila ni Ben Affleck

“Super happy” ang pag-describe ni Jennifer Lopez sa buhay niya ngayon kasama ang former fiance na si Ben Affleck.

Noong nakaraang Fourth of July weekend, nakuhan ang Bennifer 2.0 na magkayakap habang naglalakad sa beach in the Hamptons.  A day before ay kasama nila ang kanilang mga anak sa Universal Studios Hollywood.

Sey ni J.Lo: “I know people are always wondering, ‘How are you? What’s going on? Are you okay?’ This is it. I’ve never been better. I want my people who care about me — because I care about them so much — to know that I’ve really gotten to a place in my life where I’m great on my own. And I think once you get to that place, then amazing things happen to you that you never imagine in your life happening again. And so that is where I’m at. I love all the love that’s coming my way right now and all of the good wishes. And I just want everybody to know that it’s the best time. It’s the best time of my life.”

Na-release na ang bagong single ni J.Lo titled Cambia El Paso featuring Latin reggaeton singer Rauw Alejandro.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with