^

Pang Movies

Jinkee, aalis na rin pa-amerika

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jinkee, aalis na rin pa-amerika

Ang busy pala masyado ng month of July. Isa pang friend namin ang birthday celebrant, si Aileen Go ng MegaSoft na sa Korea yata tayo dinala for her birthday celebration nun. Parang very quiet ang boss ni Rose Garcia kaya hindi natin nababalitaan lately.

Paalis din si mama Jinkee Pacquiao para sumunod kay champ Manny Pacquiao sa USA, kaya aligaga si Bernard Cloma na kailangan muna ang doctor’s permission bago makasama.

Sayang nga dahil baka ito lang ang laban ni Champ Manny na hindi masasamahan ni Bernard pag hindi siya binigyan ng clearance ng mga doktor. Dapat kasi kay Bernard medyo pahinga muna pero wala rin katigil-tigil sa mga lakad niya dahil nga sa rami ng business transaction.

Bongga sana na balak pa naman magtagal ni Bernard sa US para dun mapahinga ng husto. Depende sa sasabihin ng mga doktor niya ang pag-alis ni Bernard kaya naman ba hindi siya nakasama nila mama Jinkee and family sa pag-alis para bantayan na ang practice ni champ Manny Pacquiao.

In fairness noh, baka lucky charm din ni Papa Manny si Bernard kaya type na type din dalhin ni mama Jinkee. Pero dahil nga sa kalagayan nito na medyo hindi pa masyadong healthy, kaya iwan muna at kuha ng doctor certificate.

Bongga ha, parang school, tatanggapin ka lang pag may sulat ng doktor para malaman health condition mo. Bon Voyage mama Jinkee Pacquiao, at goodluck sa fight ni champ Manny. 

Bea at Dominique, magtatagal sa Amerika

Sarap siguro ng pasyal nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa US.

Magtatagal pa sila dun dahil pagbalik dito, trabaho na si Bea sa GMA 7.

Nagtataka naman ako bakit kailangan itago ni Bea si Dominic eh binata at pogi naman ito. Sabi mo nga Salve kung relative ito ni Cris Roque ng Kamiseta Apparel at Skin Clinic dapat matuwa si Bea dahil tingnan mo naman ang mga business ni Cris Roque di bah? Kung relative sila, my God, ang mga diamond na gift ni Dominic sure ako bonggang-bongga. Investigate mo nga Salve kung may blood relationship sa mga Roque ng famous Kamiseta si Dominic para masabi natin kay Bea na dapat proud siya dahil sure na kaya siyang suportahan nito.

Kasi hanggang ngayon parang malaking puzzle kung bakit itinatago ni Bea si Dominic eh halata naman na meron na silang relationship. Baka naman iba ang dahilan.

Baka hindi natin alam ang may sabit pala si Dominic, hindi bah? Dapat din kasi na tingnan natin, baka mamaya, ang ma-ghosting na naman si Bea, kaya dapat sigurado tayo kung anong eason bakit ayaw aminin ng dalawa kung ano ba sila. On o papunta pa lang? Serious o playing around lang? Laro o tunay?

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with