^

Pang Movies

Jennylyn, super friend na ang misis ng EX!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jennylyn, super friend na ang misis ng EX!

Ikinatuwa ng netizens na friends sina Jennylyn Mercado at Nikka Garcia, ang wife ni Patrick Garcia. Nababasa kasi ng netizens na nagko-comment si Nikka sa photos ni Jazz na pino-post ni Jennylyn sa Instagram.

 Ilang beses nang nangyari na nagko-comment si Nikka at minsan, nila-like ang photos ni Jazz  at naulit ito nang i-post ni Jennylyn ang larawan nila ng anak noong nasa The Farm silang mag-ina. Tinawag ni Jennylyn na “recharging” at “communing with nature” ang pagpunta nila ni Jazz sa The Farm.

Samantala, sa mga nakaka-miss kay Jennylyn, malapit n’yo na siyang mapanood sa Daig Kayo ng Lola Ko kasama si Paolo Contis. Four weeks tatakbo ang episode nina Jennylyn at Paolo, pambawi sa mga naka-miss sa kanya.

Habang inihahanda ang pagtatambalan nila ni Xian Lim na Love. Die. Repeat, dito muna siya mapapanood.

Alice, maraming nawalang alaala nang madukutan

Hindi makakalimutan ni Alice Dixson ang Legal Wives  dahil sabi nito, first time niyang makasama ang halos lahat ng cast. Ito rin ang teleserye niya ­during pandemic at higit sa lahat, sa panahon ng family drama series, na-conceived at ipinanganak ang baby niyang si Aura.

May isa pang rason si Alice kung bakit memorable sa kanya ang Legal Wives. Kuwento nito: “Magugulat kayo sa susunod kong 1st na eto... today I can finally make kuento, kasi concluded na ang police investigation.

“during this show was the 1st time I was ever pickpocketed in my life (not on the set of course but) the day before my quarantine for our lock-in taping.

“The reason naikuento ko kahapon na I lost my pictures and footage (s) was because last June 29 while in Greenbelt 5, I was pickpocketed. YES po nadukutan ako while shopping in the mall. Ang nakuha po sa a in was my cellphone.”

Kuwento ni Alice, ayon sa CCTV footage, four to six women (one cross dresser man) ang mga kawatan.

Dalawa sa apat ang bumangga sa kanya sa harap at sa likod at mabilis na nakuha ang kanyang cellphone.

Kaya paalala ni Alice sa shoppers, maging mindful sa mga gamit at sa mga taong dumidikit sa inyo kahit may space naman. To be continued ang kuwento ni Alice at sa continuation natin malalaman kung nahuli ang mga kawatan at kung naibalik sa kanya ang nadikwat na cellphone.

Anyway, sa July 26, na ang world premiere ng Legal Wives at malalaman na ang kuwento kung bakit napangasawa ni Ismael (Dennis Trillo) si Amirah (Alice) na kanyang hipag. Asawa kasi si Amirah ng kapatid ni Ismael na si Nasser (Alfred Vargas).

Kylie at mga anak, lilipat ng ibang bahay

Naka-post sa IG Story ni Aljur Abrenica ang bonding niya sa mga anak na sina Alas at Axl. Sa Batangas daw, sa bahay ng parents ni Aljur nito dinala ang dalawang anak at nakakatuwa ang bonding ng mag-ama.

Sabi, matagal nang hindi nakikita ni Aljur ang mga anak bago ang kanilang bonding, so hindi na pala siya sa kanyang bahay umuuwi. Ipinaubaya niya ang bahay kina Kylie at sa dalawa nilang anak.

Ang dami pa ring galit kay Aljur sa mga comment at mayroon namang naaawa sa dalawang anak nila ni Kylie. Bigla raw hindi na kumpleto ang kanilang magulang at lilipat pa ang mga bata sa ibang bahay.

Ibinalita kasi ni Kylie na lilipat na sila ng mga anak sa ibang bahay at post nito sa Instagram, “Our new place is almost ready for my boys and I to move in and I’m so excited.”

Wish ng netizens, madaling makapag-adjust ang mga bata sa bago nilang bahay, eh ang dami raw memories ni Alas sa bahay ni Aljur. ‘Yung isang side kasi ng wall ng bahay ni Aljur ay ginawa niyang canvass. 

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with