_pang-masa
^

Pang Movies

Lovi, wala pa ring desisyon!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Lovi, wala pa ring desisyon!
Lovi

Nakakatuwa naman na parehong may respective covers ang mga Kapuso actress na sina Lovi Poe at Heart Evangelista sa Now Magazine LA for the month of July.  

Ayon sa Instagram post, tinawag na “style icon and socialite” si Heart at tinawag naman si Lovi as an “international sensation, actress and singer.”

 Sa ngayon, wala pa ring malinaw kung lilipat si Lovi at iiwanan na niya ang GMA Network, meanwhile, kasalukuyan nang naghahanda si Heart at mga co-stars niyang sina Richard Yap at Paolo Contis sa mga health protocol na kailangan at kung matapos na sila by July 17 ay bibiyahe na sila papuntang Sorsogon City sa Bicol para sa lock-in taping nila ng I Left My Heart in Sorsogon, na diretso nilang isu-shoot this August at babalik lamang sila ng Manila kapag tapos na ang taping nila.

Max at Pancho, tumigil na rin sa pagba-vlog

Nagsalita na rin si Kapuso actress Max Collins sa tanong kung hiwalay na sila ng asawang si Kapuso actor Pancho Magno. Napapansin kasi ng netizens na hindi na tulad nang dati na laging nagpo-post sina Max at Pancho sa kani-kanilang Instagram account. 

Matagal-tagal na rin laging sina Pancho at ang one-year old son nilang si Skye ang magkasama sa picture at nag-post lamang si Max ng picture nila ni Skye nang mag-celebrate ito ng first birthday last July 7, na separate ang celebration dahil parehong busy sa work ang mag-asawa.

  Ayon kay Max, nagdesisyon sila ni Pancho na gawing private na ang buhay nila kaya inihinto rin nila ang kanilang vlogs.

Nagpasalamat din si Max na nagkaroon siya ng very supportive husband na naiintindihan kung ano ang gusto niya sa kanyang career. 

Katatapos lamang muling mag-renew ng contract ni Max sa GMA Network at sa GMA Artist Center at sa ngayon ay naka-lock-in taping na siya muli ng upcoming teleserye nilang To Have And To Hold kasama  sina Rocco Nacino at Carla Abellana.

Gaano kaya ka-sexy ang role na gagampanan ni Max sa serye?

TWBU, pinuri

Last Friday, napanood na sa The World Between Us na malaki na ang mga bida na sina Louie (Alden Richards), Lia (Jasmine Curtis-Smith) at Brian (Tom Rodriguez) at magaganda ang feedbacks ng acting nila sa netizens.  Kasabay na rin na tumanggap ang show ng positive feedbacks sa pilot episode na isa sa pinuri nila ang cinematography

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with