_pang-masa
^

Pang Movies

Singer/actress, sabit...netizens, nagulantang kay Robin sa pagtatanggol sa third party ni Aljur!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Singer/actress, sabit...netizens, nagulantang kay Robin sa pagtatanggol sa third party ni Aljur!
Robin

Kinumpirma na rin ni Kylie Padilla na na hiwalay na nga sila ni Aljur Abrenica na nauna nang inamin ng ama niyang si Robin Padilla sa interview ni Ogie Diaz.

Sinabi nga ni Robin na third party ang dahilan.

Si Cindy Miranda pa ang napagbintangan na leading lady ni Aljur sa pelikulang Nerisa na itinanggi naman agad ng baguhang sexy star.

Pero ayon kay Robin naiintindihan niya ‘yun, na walang nakakatanggi sa tukso. “Tanggapin natin ‘yun, wala na tayo du’n. Kasi ako ‘yun ang unang-unang sinabi ko kay Kylie nu’ng nag-usap kami. Sabi ko, ‘lalaki ‘yang asawa mo, pasalamat ka nga, alam mong lalaki.’ Eh wala, hindi raw niya kaya. Okay,” sey ni Binoe.

Na ikina-react ng maraming netizens.

Na-bother daw sila sa mentality ng actor na binigyan pa nito ng justification ang pagloloko ng lalaki kahit na anak niya pa ang nabiktima nito

Pero hindi raw ‘yun ang catch. Ayon sa bulung-bulungan sa showbiz, iniuugnay ang pangalan ng singer / actress sa hiwalayan nina Aljur at Kylie.

May anak ang nasabing singer / actress na around 50 years old ang edad pero walang karelasyon

At sa narinig kong pangalan kung totoo nga, kilalang-kilala ito ni Robin.

Ito naman ay kung totoo ang kuwento ha.

TV host may problema sa immigration kaya nawalan ng show

May problema pala sa Bureau of Immigration ang isang TV host / DJ.

Ayon sa reliable source, ito ang rason kaya hindi na siya napapanood sa isang daily program na co-host siya.

At hindi raw basta problema dahil hindi raw nito inaayos ang mga papeles para maging legal ang paninirahan sa Pilipinas ng more than 10 years na.

Half-Pinoy / half-American ang nationality ng TV host.

At dahil years na raw nitong hindi inaayos ang kanyang mga dokumento ng pagtira sa Pilipinas at nagnenegosyo pa, hinuhulaang malaki na ang babayaran nitong fine at ipade-deport pa siya agad-agad ‘pag hindi nito nahilot ang BOI.

Kilala namang may pera ang TV host, kaya gulat ang mga nakarinig sa kuwento na hindi nito inaayos ang documents nito.

Nang i-check ko ang social media account niya, parang normal lang ito at walang pinoproblema.

ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with