^

Pang Movies

Mental health, dapat tutukan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi ko talaga matanggap ‘yung moment of madness ng isang tatay na nagalit sa anak na ayaw uminom ng gamot. Napatay sa suntok ang apat na taong bata na pinipilit ng tatay niya na uminom ng gamot.

Imagine  gusto mong gumaling ang anak mo kaya pinainom mo ng gamot pero napatay mo naman sa bugbog? Grabe siguro ang mental disorder ng tatay para magkaroon ng moment of madness at bumigay that time.

How sad, dahil tingnan mo how fragile the thread of sanity is. Gusto mong gumaling ang anak mo, pero nag-burst ang galit mo nang ayaw uminom ng gamot para maging violent ka at mapatay mo ang isang apat na taong bata. Totally nag-blackout ang utak mo that very moment, enough para maging sobra ang violence mo. How can you explain that? Paano mo tatanggapin ang ganitong pangyayari?

Hindi ba dapat na talagang bigyang-pansin nating lahat ang mental health ng bawat isa, ‘yung tolerance niya sa pagtanggap ng problema at pagharap dito, na dapat hindi nangyayari ‘yung biglang mag-i-snap ka dahil bumigay ang utak mo.

Please, kailangan ng maging malawak ang mga utak natin at sana hindi na maulit pa ito. Kawawang bata. Kawawa rin ang ama dahil hindi niya madadala ang guilt na ito na nasa utak na niya buong buhay niya. What a pathetic world. Sana maging maayos ang lahat.

Alden, iniba ang lahat dahil sa serye

Patuloy na tumataas ang rating ng The World Between Us.

Mga bata pa lang na Alden Richards, Tom Rodriguez at Jasmine Curtis ang lumalabas, excited na lahat na makita silang lumaki.

Sobra kasi ang dedication ni Alden sa character niya sa The World Between Us kaya parang very personal ang attachment niya rito. Talagang kitang-kita mo how he made his character different sa ibang ginawa niya the way na iniba niya halos lahat sa kanya.

Haircut, style, pati bato ng dialogue, kakaiba. Saka subsob siya sa pag-aalaga sa bawat episode, personal touch talaga ni Alden kaya very special ito sa kanyang fans.

Kasi nga naman matagal ding naghintay ang fans niya para sa serye niya, kaya naman gusto niya na maging very special ito para sa lahat ng followers niya.

vuukle comment

MENTAL HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with