_pang-masa
^

Pang Movies

Sec. Mark, tutok sa DPWH

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sec. Mark, tutok sa DPWH
Sec. Mark

Ano ba mas importante, ‘yung umpisa or ‘yung ending? Ano ba ang mas importante, ‘yung nagbukas o ‘yung nagsara?

Hindi ko maintindihan kung bakit issue na ‘yung mga C5 at magagandang highway ngayon na napapakinabangan ng marami, na talagang nagbigay-ginhawa sa traffic, para bang merong credit grabbing issue.

Totoo naman na nag-umpisa ang project sa Department of Public Works and Highways o DPWH ng panahon ni PNoy, at  tinapos sa panahon ni Papa Digong na si Sec. Mark Villar na ang DPWH secretary. So bakit parang ayaw nilang ibigay ang kredito kay Sec. Mark  at sa pamamahala ni Papa Digong? Ano ba ang problema eh totoo namang natapos ang project nang pumalit na ang kasalukuyang administrasyon.

Sige, sila ang nag-umpisa, pero kung hindi hinarap ang pagtatapos nito, ‘di sana hanggang ngayon nakatiwangwang pa at walang nakakagamit.

Ngayon na panay ang puri ng lahat dahil sa napakalaking ginhawa na binibigay nito sa mga tao na gumagamit ng Skyway at iba pang magagandang highway, para bang kasalanan pa ni Sec. Villar na ginawa at tinapos niya ang trabaho.

Mula pa noong congressman si Mark Villar, kilala na siyang fast worker, subsob sa trabaho.

Siya nga ang pinakamasipag na DPWH secretary na nakita namin, talagang laging nasa construction site, umaraw-umulan.

‘Pag may narinig na reklamo sa isang lugar, nandun agad para mag-check at ayusin ang problema. Very approachable, madaling kausap, at talagang hinaharap lahat ng nagpupunta sa kanyang opisina.

Kita naman natin kung gaano kalaki ang naging bilis ng DPWH under his watch, mabilis ang trabaho kaya maraming natapos. Let us give credit where credit is due. Huwag naman tayong biased at hindi nakikita ang pagod at dedication ng isang public servant.

MARK VILLAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with