^

Pang Movies

Max at Pancho, nakumpirmang hiwalay na sa birthday ng anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Max at Pancho, nakumpirmang hiwalay na sa birthday ng anak

Tanong ng isang netizen, bakit naghihiwalay ang Kapuso couples? Parang sabay kasing nabalitang hiwalay na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, Alwyn Uytingco at Jennica Garcia, at sina Pancho Magno at Max Collins?

Maaaring talent ng ABS-CBN si Aljur, pero taga-GMA si Kylie at si Alwyn, hindi rin Kapuso, pero si Jennica ay dating contract star ng GMA at ngayon, nagbabalik sa network. Nasa cast siya ng Las Hermanas.

Sina Max at Pancho ang matatawag na true blue Kapuso couple dahil sa GMA sila nagkita, nagkagustuhan, nagkarelasyon, ikinasal hanggang nagkaanak. Pero, sa first birthday ng anak nilang si Skye, hiwalay ang birthday party na kanilang ibinigay.

Si Max, sa Hilton Manila ang venue ng F1 themed party, si Pancho naman, Star Wars ang theme ng party ni Skye dahil ang pangalan nitong Skye Anakin ay galing sa isa sa karakter ng Star Wars.

Dahil hiwalay ang birthday party nina Pancho at Max kay Skye, pinaniniwalaang hiwalay na sila. Napansin ng followers ng dalawa sa Instagram na ‘yung larawan nila ni Pancho ay photos ni Pancho noong February 14, 2020 pa to promote the Valentine promo of GAOC na isang upscale dental clinic which is weird nga naman.

Sa IG ni Pancho, may pictures pa ni Max, gaya nang batiin niya ng Happy Mother’s Day noong May 9, 2021 at birthday ni Max noong August 28, 2020 at iba pang photos na karamihan, old photos, walang bago.

Mai-interview si Max mamaya dahil magre-renew ng kontrata sa GMA Artist Center. Payag naman siguro ang GMAAC na matanong si Max sa status nila ni Pancho at sa controversial role niya sa primetime series ng GMA 7 na To Have and To Hold.

Xian, lumabas na kay Willie

Na-impress ang Kapuso fans sa performance ni Xian Lim sa special show ng isang shopping app noong July 7 dahil he played the piano at siya ang tumugtog nang kantahin ang Pare Ko ng Eraserheads. Pagkatapos noon, ang production number nila nina Barbie Almalbis at Sponge Cola.

Magaling din ang pagho-host ni Xian sa kanyang segment at sa segment nila ni Jessy Mendiola, hindi siya sumasigaw at comment ng viewers, parang kompor­table na sa GMA Network.

Kaya lang, parang hindi nito sinagot ang tanong ni Jessy kung ano ang pakiramdam niya dahil nasa GMA 7 na siya?  Kailan nga kaya pipirma ng kontrata si Xian sa GMA Network? 

Janus, naglabas ng galit dahil kay Bea

Kahit tinawag siyang epal at sawsawero, hindi napigilan ni Janus del Prado na magpahayag ng saloobin sa pagtawag ng bashers sa friend niyang si Bea Alonzo dahil lumipat sa GMA Network.

Nag-post muna si Janus ng quotation card na “Loyalty is a two-way street. If you’re asking it from me, make sure I’m getting it from you” Saka, sinundan ng mahabang post para raw malaman how loyalty works.

“Gratitude is given, not demanded. At ibinigay niya naman iyon.

“Stop this guilt trip bullshit sa mga umalis at lumipat. Kailangan namin magtrabaho para sa sarili at mga taong umaasa sa amin,” bahagi ng post niya.

Sa post na ito ni Janus, may mga nag-comment na baka hindi na siya kunin sa mga show ng ABS-CBN, lalo na kung project na hawak ni director Erick Salud.

vuukle comment

MAX COLLINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with