_pang-masa
^

Pang Movies

Xian ‘di exclusive!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Binati ni Xian Lim ang Kapuso Network nang mag-guest co-host siya sa TV special ng sikat na shopping app para sa pakulo nitong 7.7 para sa kanilang loyal clients.

Napanood ang TV special sa GMA last July nang live mula sa Araneta Coliseum. Na-preempt ang dalawang Koreanovela ng Kapuso sa oras ng telecast, ang Lie After Lie at The Penthouse.

Isa si Xian sa Kapamilya stars na nabalitang gagawa ng series sa GMA kapareha si Jennylyn Mercado. Senyales na marahil ang presence ni Xian sa special.

Fans may pa-twitter party!

Ngayong gabing ito lalabas sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez sa Kapuso series na The World Between Us.

Naghahanda na ang fans ng tatlo at followers ng series sa pagkakaroon muli ng Twitter party ngayong aapir na ang tatlong lead actors, huh!

Aba, kahit hindi pa man lumalabas ang malalaking Alden, Jasmine at Tom, aba, ang sipag-sipag ng fans na guluhin ang Twitter upang mapag-trend ang hashtag na gamit!

XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with