^

Pang Movies

Mall goers, favorite ang Evia

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naloka ako nang makita ko ang Evia Lifestyle Center sa Daang Hari, Las Piñas.

Hindi ko akalaing merong ganung world class na mall sa halos border na ng Las Piñas at Bacoor. Kaloka dahil noon palang hindi pa pandemic, bongga pala ang movie houses ng Evia Mall.

Hindi exaggeration ha, limited na ang shoppers dahil nga may restrictions, pero ang dami pa ring tao sa Evia dahil sa maraming high-end villages sa paligid nito.

Totoo ngang mukhang high-end talaga dahil ang bongga ng shops, marami sa mga resto ‘yung fine dining talaga. Mukha ka talagang  nasa gitna ng mamahaling villages. ‘Yung young men and ladies na nasa loob ng mall, mukhang yayamanin.

Umiral talaga ang pagiging social climber nina Salve Asis at Gorgy Rula dahil itinulad nila sa mall ng Macau, Hong Kong, Singapore, Japan, USA at Europe ang ambience ng Evia Lifestyle Center.

Buti na lang at malayo iyon sa bahay ni Salve, kundi baka doon siya lagi naka-standby dahil nga ang sarap mag-hang out dahil sa kakaibang feel.

Well guarded, malinis ang loob at sobrang bongga ng mga toilet.

Grabe ha, talagang feeling mo, hindi third world ang Pilipinas ‘pag nasa loob ka ng Evia. Feeling mo ang yaman ng bansa natin, walang mahirap, ang yaman-yaman.

At now alam ko na bakit may nagsasabi na parang mahal ang goods sa All Day Supermarket. Iyon palang maliliit na branches ng All Day na nakikita natin, convenience store lang. At iyon palang malalaking branches nila na tulad ng nasa Libis at Evia Center, iyon ang talagang supermarket.

At naloka kami dahil bongga ang imported items nila ha. Kaya naman pala sinasabi ng iba na mahal ang items sa All Day kasi karamihan ay imported. Naloka ako sa maraming choices nila ng fruit juices na talagang sa All Day ko lang nakita. Mga sausage at imported ham, ‘yung cheese tray nila, bongga. At ang mga tindang veggies and fruits, kaloka sa freshness at dami ng choices.

Naku naman, hitsura na nasa loob ka ng isang supermarket sa abroad sa kanilang items. Nahilo ako sa inggit na para bang bakit pa ako kailangang pumunta sa abroad eh ito at nasa loob ng All Day ang hinahanap kong items.

vuukle comment

EVIA MALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with