_pang-masa
^

Pang Movies

Bong pinayagan ding makatanggap ng benefits!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Bong pinayagan ding makatanggap ng benefits!
Bong

Wow, Salve A., sa dismissal ng kasong Graft and Corruption na isinampa laban kay Senator Bong Revilla five years ago, iginawad din s? kanya ng Korte ang right to claim his retirement benefits at makapagtrabaho sa gobyerno for as long as he wants.

His term as senator, we heard, will end in three years pa.

Ryan, seryoso kay hipon

May namumuo bang relasyon kina Herlene Budol, alyas Hipon Girl, at Ryan Bang ng It’s Showtime?

Don’t look now, pero, kilala na raw itong si Hipon G ng mother ni Ryan. By phone daw kasi ipinakilala ni Ryan ang dalaga sa kanyang nanay, who is in Korea with his dad.

Obvious na hindi affected si Ryan sa balitang kumakalat na nabuntis daw ni Willie Revillame ang dalaga. Na kung sabagay, Willie denied in print and on TV.

Hangang-hanga kay Hipon G ang aming assistant na si Jane, na ang feeling daw niya, kaya pinangalanang Hipon Girl si Herlene ay dahil parang hipon daw ang pangangatawan nito, lalo’t kung lumiliyad-liyad.

Well.

Regular customer nga raw pala ng parlor na pag-aari ni Ryan si Herlene. MoriduArt ang name ng Parlor ni Ryan.

Boy, nasa dugo ang pulitika

May mga kumukumbinsi raw pala, Salve A., sa King of Talk na si Boy Abunda na tumakbo for senator a 2022 election.

Boy, though, thinks daw politics is not for him. Although, masasabing it runs in his blood as proven by her sister, actually, only sibling niya si Fe Abunda, the seating Congresswoman ng first district ng Eastern Samar.

His Ate Fe became thrice mayor ng Borongan, their hometown.

And let’s not forget na Atenean si Boy, just like the much-admired late President Noynoy Aquino.

Come to think of it. Nakakapag-usap kaya lately sina Boy at Kris Aguino? Ano kaya ang plano ni Kris sa 2022 election?

Huwag kang lalabas, mas bagay kay Kim

True bang the role being played by Kim Chiu in the horror trilogy Huwag Kang Lalabas, was first offered kay Sanya Lopez?

Pero, tumanggi raw si Sanya to do the project. For what reason, ‘di isinaad ng aming source.

In any case, to be directed by Adolfo Alix, Jr. Huwag Kang Lalabas will reportedly also star Beauty Gonzalez at Jameson Blake.

Producer is Obra Cinema, obviously a new producer. If I remember right, it was Kim ang nagpauso sa linyang ‘huwag kang lalabas, which, in school, refers to “don’t go out.”

Kaya, tama lang na nasa trilogy ka, Kim.

Sorsogon, nakabitin pa

‘Di pa pala nagsisimulang mag-taping ang series na I Left My Heart in Sorsogon, co-starring for the first time sina Paolo Contis, Richard Yap at Heart Evangelista. Baka sa second week of July pa raw.

Lock-in daw ang taping, at sa Sorsogon mismo all throughout gagawin. Meaning, hanggang matapos ito.

Sorsogon is a province in Bicol where the seating governor is former Senator Chiz Escudero, husband ni Heart.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with