_pang-masa
^

Pang Movies

Aktor na maraming anak sa iba, may takbuhan ‘pag kinakapos ng pera

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Hindi kinakikitaan ng stress at pagkatuliro ang isang sikat na male personality ngayong pandemic kahit maraming obligasyon.

May kilalang aktor at producer na lagi niyang takbuhan tuwing nangangailangan ng pera pantustos sa mga anak sa iba!

Pero binabayaran din ng sikat na male personality ang nakukuha niyang pera, huh! Hindi utang ‘yon!

Kaya kahit konting pera na lang ang naiiwan sa kinikita sa trabaho ni male personality, ayos ang sa kanya basta nakakatulog siya nang mahimbing sa gabi at nakakapagtrabaho nang walang problemang iniisip!

Pokwang at Gladys, mainit ang talakan

Agad na may kasunod na regular show ang guesting ni Pokwang sa Magpakailanman episode na Nanay Kontesera ngayong Sabado.

Ipinasilip ni Pokie ang pagsalang niya sa pagbabalik sa ere ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na sa July 17 magsisimula.

Hindi idinetalye ng komedyana kung ano ang papel niya sa comedy show. Basta ang kanyang makakatalakan ay si Gladys Reyes!

Sa totoo lang, sa kada eksena nina Pokwang at Gladys, awrahan sila nang awrahan, huh! Riot ang mga eksena nilang dalawa dahil nakakatawa rin si Gladys!

GLADYS REYES POKWANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with