_pang-masa
^

Pang Movies

Alden, ‘di natakot maiba!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Alden, âdi natakot maiba!
Alden

Maganda ang look ng The World Between Us.

Talagang very glossy ang dating ng serye kaya parang very exciting ang mga susunod na episodes. Totoong iniba nga ang look ni Alden Richards at bagay na bagay naman sa kanya.

Mukha ngang pinaghandaang mabuti ni Alden ang role niya rito dahil iba ang atake na ginawa niya pati sa pagbato ng dialogue.

Tiyak na nagustuhan ng fans niya ang bagong Alden na napanood nila sa The World Between Us.

Iyon ang maganda sa isang artista, iyong iba-iba ang character, iba-iba ang atake sa bawat role niya, at nagbabago-bago ng looks.

No wonder may staying power si Alden, dahil alam niya how to give color to the character na ginagampanan niya.

Happy birthday, Cris…

Birthday pala kahapon ni Cris Roque ng Kamiseta Skin at Apparel, Salve. Hindi nga ba special sa atin ang month of July dahil 2 sa bff natin, si Cris Roque at Pinky Tobiano month of July ang mga birthday.

Two ladies na parehong very kind, very generous, very helpful. Kaya naman we consider ourselves very lucky dahil kaibigan natin sila. How we wish na lagi silang happy, healthy, strong dahil marami sila natutulungan.

At sana maging worthy tayo sa kanilang friendship, dahil napakasarap nilang maging kaibigan.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with