_pang-masa
^

Pang Movies

Janella at Markus, anak at trabaho ang inaasikaso

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Janella at Markus, anak at trabaho ang inaasikaso
Janella

Ang twenty-three-year-old singer-actress Janella Salvador and a young mother of an almost nine-month old baby na si Jude Trevor Paterson (courtesy of her Fil-British singer-actor boyfriend na si Markus Paterson) ay balik-trabaho na sa pamamagitan ng bagong episode ng digital anthology series na Click, Like, Share produced ng Dreamscape Entertainment.

Si Janella ay huling napanood sa hit primetime TV series na The Killer Bride na nagtapos in January 2020 bago dumating ang pandemya at kung saan din nabuo ang tambalan nila ni Joshua Garcia.

Ngayong nasa bansa na ang young couple with their baby, gustong pagtuunan ng dalawa hindi lamang ang kanilang baby kundi maging ang kanilang respective work bilang singer-actors.

Rhen, gagawan ng pelikula sa singapore

Nakatakdang lumipad patungong Singapore ang mahusay na aktres ng Viva na si Rhen Escaño sa darating na July 15 para gawin ang kanyang kauna-unahang international movie to be shot in Singapore ng mahigit dalawang buwan with her as the only Filipino actor. Pero bago umalis ay tinapos muna ni Rhen ang dalawa niyang new movie sa bakuran ng Viva Films, ang pelikulang Kung Hindi Man na pinagtatambalan nila ni Jao Mapa  at ang soon-to-be streamed on Vivamax on July 18, ang sexy-drama-thriller movie na The Other Wife na pinamahalaan ni Prime Cruz. Tampok din sa nasabing pelikula sina Lovi Poe at Joem Bascon. Merong dalawa pang movie si Rhen na hindi pa naipapalabas, ang local adaptation ng Korean movie na Spellbound na dinirek ni Thop Nazareno at ang Rooftop mula sa panulat at direksiyon ni Yam Laranas.

Matapos mapansin ang husay ni Rhen sa pag-arte na kanyang ipinamalas sa kanyang launching  movie na Adan in 2019 at sa pelikulang Untrue na pinagbidahan nina Cristine Reyes at Xian Lim at mahigit isang taon niyang exposure sa hit action drama series na FPJ’s Ang Probinsyano, hindi na nababakante sa trabaho ang young aktres na isa sa mga original na alaga ng yumaong Master Showman at starbuilder na si German ‘Kuya Germs’ Moreno.

Lovi, ‘di pa rin nagsasalita sa paglipat

Sa kabila ng pandemya at LDR (long distance relationship) setup ng singer-actress na si Lovi Poe at nobyo nitong English producer na naka-base sa Los Angeles, California, USA, hindi nila ito pinoproblema dahil sa kanilang constant communication.

Pagkatapos ng bubble taping ng kanyang most recent TV series sa GMA, ang Owe My Love, lumipad patungong LA si Lovi to spend sometime with her boyfriend na si Monty Blencowe pero agad din siyang bumalik ng Pilipinas para tapusin at tumulong sa promo ng kanyang movie under Viva Films.

Samantala, hindi kinumpirma at hindi rin dinenay ni Lovi ang lumulutang na balita na siya umano ang next na lilipat sa ABS-CBN dahil hinahayaan umano niya ang kanyang manager na si Leo Dominguez na makipag-negotiate na may kinalaman sa kanyang mga kontrata.

Sina Janine Gutierrez at Sunshine Dizon ang latest transferees from GMA to ABS-CBN habang lumipat naman from ABS-CBN to GMA sina Pokwang at Bea Alonzo and soon ang comebacking actor na si John Lloyd Cruz.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with