_pang-masa
^

Pang Movies

FPJ’S Ang Probinsyano at Sandugo aarangkada sa Africa

Pang-masa

MANILA, Philippines — Mapapanood na ang FPJ’s Ang Probinsyano at Sandugo sa 41 bansa sa Africa sa StarTimes channel.     

Kilala sa pamagat na Brothers sa ibang bansa, ang FPJ’s Ang Probinsyano ay napapanood na sa South Africa, Kenya, Ghana, at iba pa.     

Samantala, ang Sandugo, na kilala sa ibang bansa bilang Fists of Fate, ay nagsimulang umere sa Africa noong Mayo nitong taon, sa StarTimes channel. Sinubaybayan ang kuwento nito na tungkol sa dalawang magkapatid, na ginampanan nina Aljur Abrenica at Ejay Falcon, na nasa magkaibang panig ng batas.   

Una itong napanood sa Kapamilya Gold at tampok din dito sina Cherry Pie Picache, Ariel Rivera, Gardo Versoza, Vina Morales, Elisse Joson at Jessy Mendiola.    

Hindi lang ang dalawang action series na ito ang napapanood sa ibang bansa. Noong 2020, mas pinalawak pa ng ABS-CBN ang paghahatid ng16 na palabas nito hindi lang sa Africa, kundi pati na rin sa Latin America at Asya. Kabilang dito ang Kadenang Ginto, Dahil May Isang Ikaw, The General’s Daughter at marami pa. Kamakailan din ay kinilala rin sa Malaysia ang adaptation nito ng Tayong Dalawa, na pinamagatang Angkara Cinta na naging most-watched show sa Astro Prima Channel noong 2020.    

Mapapanood pa rin ang mga Kapamilya program sa cable TV sa Kapamilya Channel at Jeepney TV, pati na sa free TV sa A2Z at TV5. Palabas din ang mga ito online through Kapamilya Online Live, iWantTFC, Netflix, WeTV at iFlix.    

ANG PROBINSYANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with