^

Pang Movies

Ara, anak naman ang pinaplano

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ara, anak naman ang pinaplano

Ipinakita ng dating magkasintahang Ara Mina at dating mayor at ngayon ay vice mayor ng Bulakan, Bulacan na Patrick Meneses na puwede pa rin silang maging magkaibigan kahit matagal na silang nagkahiwalay dahil na rin sa kanilang six-year-old daughter na si Amanda.

Sa recent wedding ni Ara (Hazel Reyes) sa kanyang husband na ngayon na si Dave Almarinez last June 30 na ginanap sa Alphaland Baguio Mountain Lodges, imbitado at dumalo si Vice Mayor Patrick kasama ang non-showbiz girlfriend nito para ipakita ang kanyang suporta sa kanyang ex-girlfriend at ina ng kanyang kaisa-isang anak.

Pero bago inimbitahan ni Ara ang dating karelasyon ay ipinagpaalam niya ito kay Dave na agad namang pumayag. Katunayan, imbitado rin ang ex-wife ni Dave, ang LA-based na si Erish maging ang kanilang teenage daughter na si Kirsten na tumayong Junior Bridesmaid sa wedding ceremony ng newly-weds. Hindi nakadalo si Erich dahil nagkaroon ito ng medical emergency pero nagpadala ito ng regalo at nagpaabot ng kanyang pagbati sa bagong kasal. Maganda rin ang relasyon ni Dave sa kanyang ex-wife sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Ipinakita lamang ng bagong mag-asawang Ara at Dave na kahit hiwalay na sila sa kanilang respective former partners ay napanatili pa rin nila ang kanilang pagiging magkakaibigan.

Gayunpaman, gusto pa rin nina Ara at Dave na magkaroon sila ng sariling anak o mga anak balang araw.

Bukod sa respective families nina Ara at Dave, naroon din ang biological father ng singer-actress at entrepreneur na si Chuck Mathay maging ang paternal half-brother niyang si Macky Mathay kasama ang girlfriend nitong si Sunshine Cruz na close friend naman ni Ara.

Janella at Markus, laging nakabantay sa anak 

Sa darating na October 20, 2021 ay magwa-one-year-old na ang first born ng magkasintahang Janella Salvador at Markus Paterson na si Baby Jude Trevor Salvador Paterson na isinilang sa United Kingdom sa hometown mismo ng singer-actor na si Markus. Balak ng magkasintahang Janella at Markus na isabay na ang baptism ni Baby Jude sa kanyang unang birthday.

Inamin din ng young couple na pareho umano silang hands-on parents kay Baby Jude at naroon sila sa mga pagbabago ng kanilang baby na marunong na umanong tumawag ng `mama’ at `papa’ sa kanila.

Balik-trabaho na rin sina Janella at Markus.

Jaya, mabigat ang puso nang magpaalam sa Showtime

Naging emotional ang singer-actress at isa sa mga hurado ng Tawag ng Tanghalan segment ng It’s Showtime na si Jaya (Maria Luisa Ramsey Kagahastian-Gotidoc) – 51 nang siya’y magpaalam sa Madlang Pipol ng programa dahil nakatakda siyang sumunod sa kanyang husband  na si Gary at stepson sa Amerika na nauna nang umalis last January 2021. Makakasama ni Jaya na umalis ang dalawa niyang anak na sina Dylan at Sabriya Gotidoc.

Hindi ikinakaila ni Jaya na malaking factor ang pandemya sa desisyon ng kanyang pamilya na mamirmihan sa Amerika kung saan din siya lumaki.

Pinasalamatan ni Jaya ang kanyang It’s Showtime family at pamunuan ng ABS-CBN kung saan siya lumipat from GMA.

Umaasa rin si Jaya na muling maibabalik sa ABS-CBN ang kanilang prangkisa at tatanggapin pa rin siya sakaling bumalik siya balang araw.

Jaya will be leaving with a heavy heart para muling magsimula ng kanilang buhay ng kanyang pamilya sa Amerika.

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with