_pang-masa
^

Pang Movies

Bea, sinalubong nila Alden

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Bea, sinalubong nila Alden
Alden

Nanguna sa pag-welcome kay new Kapuso actress Bea Alonzo sa contract signing niya last July 1, sa GMA Network, sina Kapuso Royalties Dingdong Dantes and Marian Rivera at si Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

 “Isa lang ang masasabi ko, welcome sa GMA. Natuloy na rin ‘yung pinag-usapan natin. I’m really looking forward to working with you in this network-my home network.  And I hope you will have a very fun stay here kasama namin,” sabi ni Alden.

Si Marian: “Hi, Bea, welcome sa GMA, Kapuso Network. Naku, sure na sure ako na mag-i-enjoy ka dito. I’m very happy na nadagdagan na naman ang mga Kapuso.”

Nakatrabaho na ni Dingdong si Bea in 2013 sa movie nilang She’s The One. “Welcome to GMA! Maraming nag-aantay sa ‘yo dito at happyng-happy kami na finally Kapuso ka na rin. I’m sure mag-ienjoy ka and I’m looking forward to the many projects na gagawin mo rito being a very-very good actress.”

Alin kaya ang unang gagawin ni Bea sa GMA, ang teleserye, o ang movie nila ni Alden na Philippine adaptation of the hit Korean film na A Moment To Remember na produced ng Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment?  Patapos na rin si Alden ng bago niyang teleserye na The World Between Us with Jasmine Curtis-Smith and Tom Rodriguez, na world premiere na sa Monday, July 5, after 24 Oras sa GMA 7.

No other than John Lloyd Cruz ang isa rin sa unang bumati kay Bea. Pinost ni GMA Pictures President Annette Gozon-Valdes ang video greet ni Lloydie: “Congratulations Bea!”

Sinagot naman ito ni Bea ng “Idan, makikita ba kita rito? Halika na!” (Idan pala ang tawag ni Bea kay Lloydie.)

Dugtong ni Ms. Annette, “Sabi ko nga sumunod na siya rito!”

Matatandaan na nakipag-meet na rin si Lloydie kay Ms. Annette two weeks ago, kasama si director Bobot Mortiz, pero wala silang ipinahayag kung ano ang kanilang napag-usapan. 

May netizens na ngang nagri-request na ibalik sa teleserye sina Bea at John Lloyd, this time sa GMA Network. Sino nga kaya ang magiging leading man ni Bea sa first teleserye na gagawin niya bilang isa nang Kapuso?

Dina, napahanga sa tapang

Hindi ikinaila ni Kapuso actress, Ms. Dina Bonnevie na gustung-gusto niya ang dimples ng co-star niyang si Alden Richards, na first time niyang nakakatrabaho sa upcoming teleserye nilang The World Between Us.

“Pero mahusay na actor si Alden, hindi siya takot mag-explore sa character na ginagam­panan niya,” sabi ni Dina. “Like sa aming serye, iba ang character na gagampanan niya, at inamin niya na first time lamang niya itong gagawin, so hindi lamang ito just a love story, naiiba ang mga characters na ginagampanan namin.”

Kasama rin nina Dina at Alden sa serye sina Jaclyn Jose, Miss Eco-International 2020 Kelley Day at may special participation si Glydel Mercado, sa direksyon ni Dominic Zapata.

ALDEN RICHARDS BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with