_pang-masa
^

Pang Movies

Kasal ni Ara, maraming lumuha

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kasal ni Ara, maraming lumuha
Amanda

Umagos ang luha ng mga sumaksi sa kasalang Dave Almarinez at Ara Mina nang nagmartsa patungong altar ang anak ni Ara na si Amanda Gabrielle Meneses sa chapel ng Alphaland Baguio Mountain Lodges, Baguio City at yumakap kay Dave. Si Amanda kasi ang lumabas na little bride sa wedding.

Ginanap ang kasalan last June 30 ayon sa reports ng kaibigang showbiz press ng bride na sumaksi ng kasalan.

Hindi na rin napigilan ni Ara na tumulo ang luha sa nasaksihang yakapan ng anak at asawa habang siya ay naglalakad.

Hindi lahat ng sampung pares ng ninong at ninang ang nakarating sa kasalan.Wala ang ninang na sina Congresswoman Vilma Santos-Recto, Sharon Cuneta, Cory Vidanes at Redgie Magno at Viva boss Vic del Rosario, Jr.

Ang mga ibang principal sponsors ay mula sa showbiz, politics at business.

Ang wedding reception ay ginanap sa grand convention center ng Alphaland Baguio Mountain Lodges.

Nitong January nangyari ang proposal ni Dave kay Ara at naudlot ang kasal last April. Finally, natuloy ito last Wednesday.

Best wishes, Dave and Ara!

Catch me.... ni Jose, pinalitan ng FLEX

Aarangkada na ngayong Linggo, June 4, ang premiere telecast ng latest Kapuso comedy-gag-variety show na FLEX.

Ang today’s generation o tinatawag na Gen Z ang target ng FLEX kaya swak dito ang tinagawa na Flex Leaders ng show na sina Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, Joaquin Domagoso at Althea Ablan.

Teka, ano na kaya ang nangyari sa GMA show na Catch Me Out Philippines na hinu-host ni Jose Manalo?

ARA MINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with