_pang-masa
^

Pang Movies

Aktres na lilipat, si Bea talaga!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Aktres na lilipat, si Bea talaga!
Bea

Mayroong virtual event today, Thursday, sa GMA Network.

Wala kaming nakuhang hint kung tungkol saan ito dahil tikom din ang bibig ng nag-invite sa amin. Hmmm…

Dalawa kasing bagong Kapamilya stars ang nabalitang lilipat sa GMA. Unang napabalita si Xian Lim na may project sa Kapuso Network.

Ang alam namin, under Viva Artists Agency si Xian. Kung gagawa siya ng series sa GMA, malamang na para sa project lang ‘yon.

Ang isa pang matunog na lilipat sa GMA ay si Bea Alonzo. Si Bea ang hula ng karamihan sa showbiz na award-winning actress na magiging Kapuso.

Mas malaki ang chance na si Bea ang ibabalita today na may virtual event. Saka baka management contract ang pirmahan niya under GMA Artist Center.

Si Xian o si Bea? Kay Bea kami! Ha! Ha! Ha!

Tigil muna ang taping...

Under GMA News and Public Affairs pala ang mini-series ng lovers na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na Love You, Stranger.

Eh nabalita na natigil ang taping nito at sa January na ang resumption, huh!

Wala namang magbibigay ng info tungkol sa pagkakaudlot ng mini-series mula sa GMA Corporate Communications as of this writing.

Sayang naman kung matatagal pa ang telecast ng Gabbi-Khalil mini-series, huh!

GMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with