^

Pang Movies

Tom, hindi ­pinakawalan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Tom, hindi ­pinakawalan!
Tom

Excited si Kapuso actor Tom Rodriguez, na bukas, July 2, ay magri-renew muli siya ng contract sa GMA Network. Labis ang pasasalamat ni Tom, dahil sa kabila ng pinag­daraanan nating pandemic ngayon ay pinapanatag ng network ang loob niya at iba pang Kapuso na may trabaho pa rin sila.

Kasalukuyang nasa lock-in taping si Tom at ang cast ng romance-drama series na The World Between Us nila nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.

“Thankful ako na this time, ibang character naman ang gagampanan ko sa bago naming serye,” sabi ni Tom.

Mapapanood ang world premiere ng The World Between Us on Monday, July 5, after 24 Oras sa GMA 7.   

Goodbye na!

After more than three months na nagpasaya at nagpakilig ang well-loved GMA primetime series na First Yaya, magpapaalam na ito at magpapasalamat sa kanilang mga tagasubaybay.

Hindi malilimutan ni Gabby Concepcion na sa gitna ng pandemic ay naging masaya ang lock-in taping nila, dahil na rin sa magandang samahan. Marami ring realizations si Sanya sa pagganap niya sa kanyang first title role bilang si Yaya Melody, na hindi lamang sarili niya ang mahalaga, pati na rin ang buhay ng ibang tao.

Mapapanood ang finale episode nila this Friday.

John, napabilib kay Sue

Bukas na, July 2, mapapanood ang kilig serye na Boyfriend No. 13, nang libre sa WeTV. Story ito ni Kimberly, isang romance novelist na gagampanan ni Sue Ramirez, na iniaasa ang love life sa nababasa niya sa stars, horoscope at sa mga pamahiin. Makakasama ni Sue sina JC Santos at JC de Vera. Sa direksyon ni John Lapus.

Balik-directing si John kaya masaya siya na sa kabila ng pandemic ay may trabaho siya. Huli pa niyang dinirek ay Kadenang Ginto at Ipaglaban Mo bago tayo nag-lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Promise ni Direk John, “you will fall in love, happy, kapag napanood ninyo ang aming serye, na magpapagaan ng pakiramdam natin, magpapasaya sa atin, a perfect series for everyone.”

Kung pinuri ni Sue ang paghandle ni direk John sa kanilang serye, pinahanga naman si Direk ni Sue na isa raw sa mga underrated actress natin ngayon, dahil napakahusay nito, kayang gumanap sa anumang role na ibigay dito.

Christian, pangarap noong maging panadero

Iba pala ang childhood dream ni Christian Bautista, na ngayon ay kilala na bilang isang mahusay na singer at tinagurian nang Asia’s Romantic Balladeer. “I wanted to be a baker, at mag-bake ng pandesal,” kuwento ni Christian. “As years went by, na-discover ko ang passion ko for singing and performing, hindi ko rin in-expect na mararating ko ito.”

Kaya naging emotional si Christian nang muli siyang papirmahin ng exclusive contract ng GMA Network. Thankful si Christian na after eight years na niya bilang isang Kapuso ay nagtitiwala pa rin sila sa kanyang talent.

Regularly ay napapanood si Christian every Sunday sa noontime variety show nilang All-Out Sundays. Muli siyang magiging isa sa judges ng The Clash Season 4 at pangungunahan niya ang upcoming musical na Still:A Viu Original Musical, a narrative series, with Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose.

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with