_pang-masa
^

Pang Movies

Bawal lumabas ni Kim, May pelikula na rin!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Bawal lumabas ni Kim, May pelikula na rin!
Kim

Pinagkakakitaan muli ni Kim Chiu ang naging viral niyang video na Bawal Lumabas The Classroom Song. Nangyari ito noong kasagsagan ng pandemic sa bansa last year.

Eh sa halip na madismaya sa banat si Kim, pinagkakitaan niya ito. May merchandise siyang ibinenta at nakatanggap kami ng orange T-shirt na may tatak na Law of Classroom.

This time, magbibida si Kim sa isa sa horror trilogy ng Obra Cinema na Huwag Kang Lalabas mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.

Si Alix ang naglabas sa kanyang Facebook na sa third untitled ng movie sa episode bida si Chinita Princess.

Ongoing ang shooting ng horror film sa Baguio City. Sa pangalawang episode na titled Kumbento ay si Beauty Gonzalez naman ang lead actress.

At least, nakadyakpot si Kim sa video niyang ‘yon, huh!

Legal Wives, hindi pa rin matuloy-tuloy ang pag-ere

Hindi pa man naipalalabas ang GMA series na Stories from the Heart na pinagbibidahan ni Beauty Gonzalez, buo na ang cast ng bagong programa ng Kapuso Network na titled Never Ever Say Goodbye.

Bidang aktor sa mini-series si Jak Roberto at kasama niya sina Klea Pineda at Lauren Young. Kasama rin sa cast sina Snooky Serna, Harlene “Hipon” Budol at bagong Kapuso hunk na si Luke Conde.

Sa line-up ng mga bagong programa ng GMA, ang hinihintay ng manonood ay ang telecast ng Legal Wives ni Dennis Trillo na na-postpone ang airing at wala pang eksaktong telecast date!

Ano kaya ang problema sa Legal Wives kaya nabalam ang airing nito?

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with