^

Pang Movies

Angel, matututukan na ang kasal

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Angel, matututukan na ang kasal
Angel

Matapos ang isang taon, nagpaalam na rin sa ere kagabi, June 27, ang public service program na Iba ‘Yan hosted by actress Angel Locsin with her fiancé, ang businessman-producer na si Neil Arce as director.

Pinasalamatan ni Angel ang pamunuan ng ABS-CBN, ang production staff ng programa, ang kanyang fiancé at lahat ng naging bahagi ng programa maging ang mga manonood.

Umaasa si Angel na sa pagtatapos ng programa ay magpatuloy pa rin ang baya­nihan ng mga tao sa kanilang kapwa­ lalo na’t nasa gitna pa rin ang lahat ng pandemya.

Ngayong tapos na ang Iba ‘Yan ay may panahon na rin ang actress-host at philanthropist na paghandaan ang kanilang nabalam na pag-iisang-dibdib ni Neil na mangyayari bago magtapos ang taong kasalukuyan.  Ito rin marahil ang dahilan kung bakit desidido ang actress na magpapayat.

Juliana, inaming nalagpasan ang depression 

Masayang-masaya ngayon ang actor-comedien at kauna-unahang Miss Q&A grand winner ng noontime show na It’s Showtime na si Juliana Parizcova Segovia (Tyrone James Ortega in real life) na nalagpasan na umano niya ang depression nang dumating ang pandemic noong isang taon dahil walang-wala na umano siyang kapera-pera. Ang kanyang P1M grand prize na napanalunan noong 2018 ay naubos na rin maging ang kanyang extra income na kinita matapos siyang manalo sa Miss Q&A. Para maka-survive siya at ang kanyang ina ay nagbenta umano siya ng ukay-kay online na kahit hindi sapat ay nakatulong umano ito nang malaki.

Bukod sa pandemya, nagsara ang ABS-CBN nang mawalan ito ng prangkisa at nakansela rin umano ang kanyang network contract with ABS-CBN sabay ang pagsasara ng mga programa ng TV network.

Ang problema, wala na umano siyang ipon. May ilang buwan umano siyang walang trabaho pero noong September 2020 ay lumagda siya ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) at dito umano siya nagsimulang mabuhayang muli ng pag-asa. “Awa ng Diyos, apat na pelikula na po ang natapos ko at unang ipinalabas ang Kaka ni Sunshine Guimary. Showing naman on July 2 sa Vivamax ang Gluta,” pahayag ni Juliana.

Bukod sa Kaka at Gluta ay tapos na rin umano niyang gawin ang KIKIKI ni Direk Darryl Yap at ang balik-tambalan nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, ang Deception na dinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan. Ito’y joint venture ng Viva Films at Borracho Films na pinamumunuan ni Atty. Ferdie Topacio.

Dating OFW ang ina ni Juliana na inabot ng 21 years. OFW din ang kanyang nasirang ama na sumakabilang-buhay when he was 12.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with