^

Pang Movies

Willie, kumpirmado ang pag-atras sa sitcom ni John Lloyd

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Willie, kumpirmado ang pag-atras sa sitcom ni John Lloyd
Willie

Nagsalita na rin si Willie Revillame tungkol sa issue sa kanila ni John Lloyd Cruz, na hindi na raw matutuloy ang sinabi niya noon na igagawa niya ng sitcom ang actor sa GMA Network at makakatambal nito si Andrea Torres.

Masyado na raw busy ngayon si Willie para mag-produce ng isang TV show. Marami na raw siyang inaasikaso ngayon, tulad ng patuloy niyang pag-ayuda sa mga kababayan natin dahil sa pandemya, na ang recipients ay mga taga-malalayong probinsiya. Kasabay nito ay ang pagpapatayo niya ng hotel sa Mindoro at sa Tagaytay.

Pero nilinaw pa rin ni Willie na wala silang hidwaan ni Lloydie at patuloy pa rin niyang susuportahan ang actor sa anumang maaari niyang maitulong sa actor.

Still on John Lloyd.  Maraming nagtatanong kung may relasyon daw ba si JLC at ang Kapuso actress na si Katrina Halili, dahil sa Ins­tagram post nito sa pagbati niya ng ‘happy birthday’ sa actor na gamit niya ay photos nila ni JLC, kasama ang anak nitong si Elias. Birthday ni JLC last June 24 at Elias naman turned three years old on June 27.

Napanood na noon sa YouTube na magkasama sila enjoying a swim in El Nido, Palawan. Taga-El Nido si Katrina na may real estate investments doon, farm and resort. Mayroon din daw property si JLC sa Palawan na balak niyang patayuan ng bahay at magtayo ng business doon.

Hindi kataka-taka ngayon kung pagtambalin sina Katrina at JLC ng GMA Network sa isang upcoming project. 

Yaya… finale week na

Nasa finale week na ngayon ang high-rating GMA Telebabad na First Yaya kaya malungkot na masaya ang bumubuo ng cast nito, sa pangunguna nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez. But everyone is thankful sa magandang rating ng romantic-comedy series gabi-gabi at ang magandang samahan na nabuo sa kanila during the lock-in taping.

Si Cassy Legaspi, marami raw siyang natutunan sa unang teleserye niyang ginawa. Kahit nag-acting workshop siya bago sila nagsimula, iba pa rin daw ang mga natutunan niya habang nagti-taping na sila.

Abangan ang First Yaya until July 2 sa GMA Telebabad, 8 p.m. after 24 Oras.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with