_pang-masa
^

Pang Movies

Alden, ‘di nagdadamot

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Alden, âdi nagdadamot
Alden Richards

Hanga ako sa team ng The World Between Us ni Alden Richards ha. Right after ng Zoom presscon talagang inihatid nila ang mga giveaway ni Alden para sa showbiz press.

Para bang siguro kahit si Alden, parang na-miss ang mga writer na lagi niyang kachika kaya excited siya.

Kaya hanga ako sa pagiging very competent ng staff ng TWBU dahil talagang mula sa pag-text para sa Zoom presscon, hanggang sa paghahatid ng giveaways   talagang maayos at nasa tamang paraan.

Kumpirmadong mahal na mahal talaga ng GMA 7 si Alden.

Kasi nga never nagbago si Alden mula pa noong nag-start pa lang siya sa showbiz, hanggang ngayon, kung gaano siya kagalang sa mga naging kasama niya hanggang ngayon ganun pa rin siya. Kaya naman nanatili na mahal na mahal siya ng bawat katrabaho niya. Lahat sila laging nagdarasal na magtagumpay siya, dahil kahit saan at ano ang marating ni Alden, ganun pa rin siya sa mga dati niyang kasama. Hindi nakakalimot, laging bukas ang palad at puso sa kanila.

Watch natin ang The World Between Us ng GMA 7 as Alden Richards returns to serye dahil maganda at ibang-iba ang istorya nito.

Mga aso at tao, ang lakas ng connection sa isa’t isa

Meron ka ring dogs, Salve. Hindi ba ang dogs na yata ang may pinaka-soulful, expressive eyes among the animals on earth.

‘Pag tinitigan mo sa mata ang isang dog para bang ang dami niyang gustong sabihin sa iyo just by looking. Merong certain emotion na gustong i-convey. Sabi nga ng isang kilala ko, never mong aalisin ang mga mata mo once na nag-lock ang tingin n’yo sa isa’t isa dahil parang may certain magic ang mata ng isang aso. ‘Yung quality ng mga mata na parang humihingi ng awa, iyon ganu’ng drama na makikita mo sa mga mata ng isang mahusay na artist, exactly, iyon ang madarama mo ‘pag tumingin ka sa mga mata ng isang dog.

Nagtataka nga ako na kahit ang bulldog, very soulful ang eyes kahit pa nga galit. Naku, siguro nga iyon ang reason why we get close to our pet dogs, ‘yung magic ng eyes nila. Para bang meron kayong connection, meron kayong bonding that will never be cut.

Ganun din siguro ang eyes ng ibang pets, kaya charming sila para sa kanilang owner.

Hay naku, kaya unconditional din dapat ang love mo sa pets mo.

 

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with