_pang-masa
^

Pang Movies

Lorna, tuloy ang pagiging ambisyosa

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Lorna, tuloy ang pagiging ambisyosa
Lorna

Nagulantang si Lorna Tolentino nang bulyawan ni Rowell Santiago dahil sa maltreatment niyang ginawa sa sekretaryang tennis player from Angeles City na si Maika Rivera. Nagkamali si Maika at pinagalitan ni LT at sinabihang tatanggalin sa trabaho.

Nag-init si Rowell dahil may kursunada ang karakter niya kay Maika at ayaw mawala ito. Na-high blood tuloy sa galit si Lorna, sabay layas sa opisina ni Rowell.

Ambisyosa kasi ang karakter na ginagampanan ni Lorna, gusto niyang maging first lady ni Rowell. Unfortunately, walang kaalam-alam ang aktres na may taktikang pang-akit si Maika na hindi niya style habang niroromansa ang aktor.

Mukhang inilalaglag na rin si Lorna ni John Arcilla sa puwesto sa palasyo. At isa pang lihim na kalaban niya si Ara Mina.

Naku, saan na kaya hahantong ang mga kamalasang likha ng mga taong galit kay LT? Mukhang kinakarma si Lorna sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Nakakawala rin ng antok sa mga tagasubaybay ng Probinsyano ang animo’y patalbugan ng acting nina Jane de Leon, Kring Kring Gonzalez, Angel Aquino, Shaina Magdayao at Christian Vasquez. Biglang uminit ang ulo ni Christian noong sagot-sagutin siya ni Geoff Eigenmann na lover boy ni Jane.

Ayaw ding patalo ni Jane de Leon sa pagganap.

Hindi rin patatalbog sina Angel Aquino at Shaina Magdayao.

Problemang malaki ng ABS-CBN kung paano tutuldukan ang istoryang tampok si Coco Martin.

Walang kapaguran ang grupong task force Agila sa takbuhan at pagtatago sa naturang istorya na maging si Lorna ay nabulyawan na sa taping nila sa serye.

Tambalan nina Carla at Derek, pinanghihinayangan

Sayang naman ‘yung proyekto ng Kapuso na pagtatambalin sana sina Carla Abellana at Derek Ramsay sa bago nilang teleserye, kaso lang umulan ng sunud-sunod na publisidad about Derek at bagong girlfriend na si Ellen Adarna.

Si Rocco Nacino na ang ipinalit kay Derek bilang kapareha ni Carla sa seryeng To Have and To Hold.

Happy birthday…

Birthday greetings sa June-born celebrities na sina Joel Torre, David Licauco,  Jerry Yap, Gladys Reyes, Ansel Beloso, Ms. Pinky Webb, Linda Rapadas at Rosanna Ortiz.   

LORNA TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with