_pang-masa
^
Namaalam sa TB...âHave a peaceful journey, Shalalaâ¦â
Shalala

Namaalam sa TB...‘Have a peaceful journey, Shalala…’

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - June 24, 2021 - 12:00am

Sumuko na sa buhay si Shalala. Lately kasi madalas siyang kasama ni Gorgy Rula kaya medyo may glimpse ako sa mga nagaganap sa buhay niya. Actually may soft spot si Shalala sa puso ko dahil fun siyang kasama sa usapan.

Medyo naging unfair nga ako dahil sa mga kuwento nina Cristy Fermin at Mr. Fu sa mga ‘sumpong’ niya noong magkasama sila sa trabaho sa TV5, parang medyo na-‘off’ ako not giving a chance to explain kung bakit meron siyang mga ganu’ng sumpong.

Narinig ko kay Gorgy ang mga hinaing ni Tolits o Shalala sa buhay, ‘yung pagiging breadwinner niya na parang sa kanya umaasa ang pamilya niya. At lately nga nang magkasakit siya ‘yung para bang pagsuko na niya sa buhay.

Isang leksiyon lang ang puwedeng makuha rito, ‘yung dapat sa pagtulong, ‘yung kaya mo lang. Hindi mo puwedeng akuin lahat. Kung talagang kaya mong ibigay, well and good, pero kung ikaw mismo ang nabibigatan at mahihirapan, hindi na practical iyon. Hindi pagdaramot ang pagtanggi, reality bites lang na dapat alam din ng umaasa sa iyo na hindi mo na kinakaya ang bigat, kaya dapat tanggapin din nila na wala ka nang puwedeng itulong, at hindi dapat sa iyo lang umasa.

Siguro kung naging magaan ang dinadala ni Shalala, baka nakayanan pa niya, pero siguro ‘yung responsibilidad na gusto pa sana niyang patuloy dalhin pero hindi na niya kaya ang humila sa kanya sa hopeless situation.

For his life on earth, mukha namang naging masaya siya. Nakilala rin, nakapagbigay-saya, at iyon nga, naging malaking tulong sa pamilya niya.

Hope you have a peaceful journey now, Shalala. No more worries, no more problems. Rest in peace.

Priscilla, ganun pa rin hanggang ngayon

Binigla tayo ng dalaw ni Abby Viduya/Priscilla Almeda sa Take It... Per Minute, Me Ganun, Salve, noong Martes ng tanghali.

Wow at talagang gaya pa rin ng dati na what you see is what you get ang personalidad niya na mula pa noong bata na pumasok siya sa showbiz ay hinangaan sa kanya ng followers niya.

No hold barred ang mga sagot niya, direct to the point at alam mo na walang itinatago. Talaga ngang mapaglaro ang tadhana, 15/16 years old pa lang sila ni Jomari Yllana nang una silang magkaroon ng relasyon, naghiwalay, nagkaroon ng makukulay na love life, tapos after, sila pa rin pala in the end.

Maganda ang tingin nila pareho ni Jomari sa nagdaang buhay nila, past is past, connected sa future, pero hindi dapat maging hindrance sa happiness mo. Maganda rin ang sitwasyon nila dahil they are both free kung sakali at gusto nila na magpakasal. Mukha ngang they are really meant for each other dahil ok ang takbo ng pagsasama nila, hindi sila nai-stress sa mga bumpy path na dinaraanan nilang dalawa.

Back to showbiz si Abby Viduya / Priscilla Almeda dahil kasama siya sa Lolong ng GMA 7. Talagang kung anong iniwan mo, babalikan mo rin kahit pa nga saan ka dinala ng kapalaran.

SHALALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with