_pang-masa
^
Marian, pinayagang lumabas si Zia
Zia

Marian, pinayagang lumabas si Zia

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - June 24, 2021 - 12:00am

Pinalabas na ni Marian Rivera sa loob ng bahay ang panganay na anak na si Zia! But wait!

Pero hanggang sa tapat lamang ng bahay nila nakalabas si Zia, huh! Hindi puwedeng lumayo.

Sa picture na pinost ni Yan sa kanyang Instagram, ngiting tagumpay ang panganay niya sa paglabas.

Bahagi nga naman ni Yan sa caption sa litrato ng anak, “Zia is really enjoying her free time.”

Hindi naman siya worried dahil safe and dehydrated siya ng tubig na ini-endorse niya na rekomenda ng mga doctor, huh!

Bawal Judgmental, nag-evolve na!

Nag-evolve na ang Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga. May changes na! Nilimita na sa lima ang choices na dati ay pito. 

Sa unang round, dalawa lang ang pinipiling judge. Ang catch sa round, sa maling choices, malalaman kung ano ibabawas sa pocket money ay P10K, P15K o P20K!

Pero sa second round, nandoon pa rin ang Double Your Money, Divide Your Money at Keep Your Money.

Samantala, ngayong July ang 24th anniversary ng Eat Bulaga bilang longest running noontime show!

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with