_pang-masa
^

Kapuso actors, biglang tiklop kay John Lloyd

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - June 24, 2021 - 12:00am

Nang dumating si Rayver Cruz sa GMA 7, mara­mi silang nakitang potentials ng actor. Hindi lang siya naging performer ng kanilang Sunday noontime show, nakita rin nilang mahusay pala siyang host

Malakas naman talaga ang naging dating ni Rayver, kaya hindi nagtagal ginawa pa siyang host ng ibang shows, bukod pa nga sa drama na nasasalihan niya.

Siguro nang dumating kasi si Rayver sa GMA ay nasa tamang edad na siya at lumitaw na ang kanyang pagiging heartthrob. Nung nasa ABS-CBN siya ay medyo bata pa siya kaya hindi nila nakita ang kanyang potentials.

Matapos ang halos apat na taong pagkawala sa show business, nag-comeback si John Lloyd Cruz sa isang special na inilabas din sa GMA. Ngayon may gagawin na rin daw siyang sitcom para sa primetime slot ng network, at hindi pa man nag-uumpisa may sinasabi na silang kasunod noon.

Natural lang naman na samantalahin na nila dahil para silang nakatisod ng ginto nang mapunta sa kanila si John Lloyd.

Pero ang issue ngayon, ano nga ba ang magyayari sa career nina Mike Tan, Gil Cuerva, at iba pang leading men din na umaasa sa GMA? Kabilang na ba sila roon sa sinasabing “hindi na ni-renew ang kontrata”?

Kung sa bagay may project naman daw gagawin si Mike Tan, pero hindi sinabi kung kailan.

In the meantime gumagawa na lang siya ng cakes na ibinebenta na kasama ang asawa. Mahirap ka nga namang umasa na lang sa isang network na busy sa mga bagong artistang nakuha nila?

Isa pa, ano na ang mangyayari doon sa mga produkto ng kanilang StarStruck na lahat ay umaasa ring pasisikatin sila ng GMA?

Kung sabagay kung matatapos nga ang kanilang kontrata at hindi na sila i-renew, maaari naman silang lumipat sa iba.

Makakalipat naman ba sila sa Star Magic, na ang sinasabi ngayon sila ang may pinakamaraming talents. Pero ano naman ang chances ng artists kung masyado na nga silang marami, at nagkataon namang walang franchise ang ABS-CBN at nakikilabas lamang sa ZOE TV at sa TV5?

Anak ni Anne, nahiya sa kanyang lolo

Isipin ninyo, ngayon lang nakita ng tatay ni Anne Curtis ang kanyang anak na si Dahlia Amelie kahit na iyon ay ipinanganak sa Australia na siyang bayan ng tatay niyang si James Curtis Smith.

Noon kasing malapit ngang manganak si Anne, nagdesisyon sila ng asawang si Erwan Heussaff na magpunta sa Australia at doon na nga siya manganganak.

Inabot naman sila doon ng lockdown, kaya kahit na ok na silang umuwi hindi nila magawa, Wala silang masasakyang flight mula sa Australia. Noon naman palang mga panahon iyon, narito sa Pilipinas ang tatay ni Anne at hindi naman makapunta sa Australia para makita ang kanyang apo dahil din sa lockdown.

Matagal nang nakabalik sa Pilipinas sina Anne, hindi pa rin makapunta ang erpat niya sa kanila dahil sa local travel restrictions lalo na at may edad na rin ang erpat niya.

Hanggang finally, nagkita na ang mag-lolo kaya nahihiya-hiya pa ang apo nang magharap sila ayon sa post ni Anne.

Male star, hinahanap ang ini-stalk na male model

Na-excite nang husto ang isang male star nang makita niya sa internet ang nude picture ng isang poging­ male model.

Mas lalo siyang na-excite nang makita niya ang shaved na private area noon. Mabilis na ipinagtanong ni male star, na obviously ay gay, kung saan nga ba mahahanap, posibleng makilala at makausap ang poging male model. Matagal na pala niyang ini-stalk ang male model kahit na noong panahong nasa abroad pa iyon.

Aywan kung magtatagumpay naman siyang maki­lala at makausap ang poging model, pero malamang magawa niya iyon.

RAYVER CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with