_pang-masa
^
Wendell at asawa, nakabuo ng pandemic baby

Wendell at asawa, nakabuo ng pandemic baby

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - June 24, 2021 - 12:00am

Buntis ang wife ni Wendell Ramos na si Kukai Ramos at “my preggy wife” ang tawag ni Wendell  kapag nagpo-post siya ng larawan nilang magkasama sa kanyang Instagram. Mahal na mahal ni Wendell ang asawa dahil sabi nito sa isang caption, “Thank you for bringing out the best in me... to be a better person and father... And i thank God for you...”

Kaya ‘yung mga tsikang nali-link si Wendell sa ibang aktres, mananatiling tsika dahil eto o, he’s very much in love with his wife.

Hindi nabanggit kung ilang months nang buntis ang wife ni Wendell na nabuo ngayong pandemic, kaya pandemic baby siya. Hindi rin namin alam kung pang-ilang anak na ito ni Wendell, tatlo lang kasi ang alam namin.

Anyway, wala pang balita kung kailan sisimulan ang taping ng Book 2 ng Prima Donnas at lalong wala pang balita kung kailan ang airing ng Book 2.

Diego, pinuri sa pagbati kay Cesar

Pinuri si Diego Loyzaga ng netizens nang mag-post ng Father’s Day greetings sa amang si Cesar Montano. Pinost nito sa kanyang IG Story ang photo nila ni Cesar at saka ito binati ng “Happy Father’s Day.”

Hindi malinaw kung bago o throwback ang larawan ng mag-ama, ang importante, hindi nito nakalimutang batiin si Cesar. Lalo na at kamakailan lang, sa isa niyang post, binati lahat ni Diego ang loved ones niya at hindi isinama si Cesar sa mga binati.

Jaclyn at Dina, malabong magkaroon ng confrontation

Sa nakikitang behind the scenes larawan sa taping ng The World Between Us, mayordoma ng pamilya nina Dina Bonnevie ang role na ginagampanan ni Jaclyn Jose. Sabi tuloy ng netizens, parang walang chance ng confrontation scenes nina Jaclyn at Dina na inaabangan pa naman nila sa nasabing teleserye.

Looking forward ang netizens na makapanood ng bangayan at pati nga sampalan sa dalawang magagaling na aktres. Pero, kung amo at mayordoma ang respective roles nina Dina at Jaclyn, tila malabo ang mga eksenang inaabangan nila.

Reunion pala nina Jaclyn at Alden ang The World Between Us dahil nagkasama na rin sila sa Mundo Mo’y Akin na umere noong 2013 hanggang 2014. Inabot ng seven years bago muling magkasama ang dalawa.

Mommy ni Heart, umaming single!

Sa July 6, ang binanggit ni Heart Evangelista na simula ng lock-in taping niya sa GMA 7 rom-com series na I Left My Heart in Sorsogon. Ang iba sa cast, gaya ni Kyline Alcantara, sa July 8 daw magsisimula ang taping.

Maninibago nito si Heart dahil ang tagal niyang hindi gumawa ng teleserye, isama na rin ang excitement dahil sa back to teleserye siya at bagong set of actors ang kanyang makakatrabaho. Lalo na si Richard Yap na hindi pa yata nakikita nang personal ni Heart at ‘yung storycon nila ay via Zoom lang.

Si Richard ang gaganap na fiance ng karakter ni Heart at si Paolo Contis ang kanyang childhood sweetheart na maiiwan sa Sorsogon nang sumikat siyang modelo. Isa sa nagpapa-excite kay Heart ang kanyang role, chance na raw na maipalabas niya ang pagiging fashionista niya.

Samantala, sa vlog nina Heart, sister niyang si Camille at mom nilang si Cecilia, sinabi ng mom ni Heart na she’s single, so hiwalay na talaga sila ng dad ni Heart. Sa States na yata naninirahan ang mom ni Heart at ang dad naman niya, sa Sorsogon na gustong tumira.

WENDELL RAMOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with