^

Pang Movies

Julia may nakakalimutan na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Julia may nakakalimutan na!
Julia

Unsolicited advice ko naman kay Julia Barretto na huwag basta kalimutan na si Dennis Padilla pa rin ang father niya.

Totoo na hindi natin alam kung ano ba ang naging formation ng kanilang relasyon at bakit parang very bitter si Dennis sa mga nangyayari. Totoo rin na bakit parang hindi alam ni Dennis na ‘yung mga sinasabi niya ay nakakaapekto sa kanyang mga anak, lalo na kay Julia na nasa showbiz na rin. Pero ang laging nakikita ng tao, anak ka, dapat igalang ang iyong ama.

Pero sa kaso nga nina Dennis at Julia na broken na ang family, hindi rin maiwasan na may mga bagay na nabago sa ngayon, puwedeng masakit dahil hindi mo agad matanggap pero sa ending, puwede pa ring maayos.

Mga anak sina Julia, Claudia at Leon, so siguro sa kaso nila, ang mga magulang ang mas matanda, mas dapat mas malawak ang pang-unawa. ‘Yung mga tampo nila as parents siguro dapat alam din nilang i-adjust sa pagiging mga bata pa ng kanilang mga anak.

May pagkakamali si Julia kung meron man pero dapat isipin ni Dennis na ‘pag apektado ang career nito dahil sa mga sinabi niya, magsisisi rin siya dahil anak niya ito.

Dapat siguro acceptance na sa ngayong iba ang sitwasyon.

Pero tiyak darating ang araw na maayos ito at magiging maganda uli ang relasyon nila, at isang pamilya sila.

Basta kay Julia, honor your father, kay Dennis, be a real forgiving father.

AiAi, Eugene at Pokwang, hindi kailangan ng scriptwriter ‘pag nagsama-sama

Maganda ‘yung idea na pagsamahin sa isang talk show sila AiAi delas Alas, Eugene Domingo at Pokwang.

Siguro sa kanila lang tatlo, kahit walang guest, tiyak na magiging exciting ang usapan. At hindi na kailangan ang scriptwriter, mga point card lang, magiging tuluy-tuloy na ang usapan.

Maganda ring malaman sa staff kung sino ang pa-diva, maarte at hindi professional. Makikita rin kung sino ang may insecurities.

Hah hah, moment of truth ang mangyayari dahil magkakasama-sama sila, imagine mo ‘yung everyday na isang oras kayong magkakasama, maraming discoveries na puwedeng lumabas ‘di ba.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with