_pang-masa
^

Pang Movies

Heart, nagsalita na kung bakit tumangos ang ilong

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Heart, nagsalita na kung bakit tumangos ang ilong
Heart

Matapos i-feature ni Heart Evangelista sa kanyang vlog ang amang si Reynaldo Ongpauco, in her latest video ay ang glamorosa­ naman niyang inang si Cecilia Ongpauco ang kanyang guest.

Kasama ang sister niyang si Camille na nagluto ng pasta habang nagkukuwentuhan, ipinakita ni Heart na okay na okay na rin ang mommy niya at husband na si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

At one point ay naitanong ni Heart sa ina kung ano ang advice nito sa kanyang marriage at sagot naman ni Mommy, “you’re fine, you’re happy.”

At this point ay hinila ni Heart si Chiz sa camera at nagkatawanan silang lahat. Dito rin nakita na talagang okay na ang relasyon ni Chiz sa biyenan.

Sey ng mommy ni Heart kay Chiz, “you know what I like about your marriage? You allow each other to grow. You don’t stop her growth. Ikaw, full-grown ka na, kumbaga. But you don’t cramp her style.”

Humingi rin ng saklolo si Heart sa ina na ipagtanggol siya laban sa bashers na nagsasabing nagpagawa siya ng ilong at mata. “Of course not,” ang sabi naman ni momshie.

“I think, medyo hawig ang ilong namin,” dagdag pa niya.

Kuwento pa ni momshie, lagi raw niyang sinasabi noon kay Heart noong bata pa ito na i-press ng 100x upwards ang ilong niya everyday para tumangos. At sinunod naman daw ito ng anak dahil masunurin daw talaga ito noon.

Kaya naman since seven years old siya, sey ni Heart ay ginagawa niya talaga na pisilin ang nose niya para tumangos ito. “She would do it every day, that’s why nag-improve,” kuwento ni Mommy Cecilia.

Tsika pa ni Heart, lahat daw ng kilos niya, pananamit niya, pagsasalita niya ay dahil lahat sa turo ng kanyang ina. Pati ang tips kung paano alagaan ang katawan, skin, face ay itinuro sa kanya ng mom niya.

Dati raw ay hindi niya ma-gets kung bakit sobrang strict ng ina pero ngayon daw ay naiintindihan na niya na it’s all for her own good. At ngayon daw niya na-prove na tama talaga ang lahat ng sinabi nito.

At ‘pag nagkaanak na raw siya ay ganito rin ang gagawin niyang pagpapalaki lalo na nga kung babae.

Sharon, big deal ang pagiging normal sa US

Sa kanyang latest vlog ay ipinakita ni Sharon Cuneta kung ano ang mga ginagawa niya ngayon sa US.

Halatang enjoy na enjoy si Megastar dahil hindi niya nagagawa sa Pinas ang mga normal na aktibidades niya roon tulad ng pamamasyal sa mall at pagkain sa restaurants. “Maaaring sa inyo no big deal, sa akin po, ito ang paborito ko, ‘yung talagang nagagawa ko ‘yung lahat ng mga normal na bagay na… ’yung tine-take n’yo for granted, sa akin, sobrang special kasi iba ang buhay namin sa Manila,” aniya.

Sinabi rin ni Mega na baka hanggang August pa siya manatili sa US dahil bibisitahin niya raw ang anak na si Frankie na pupuntang New York para ipagpatuloy ang pag-aaral.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with