^

Pang Movies

Echo magiging Kapuso na rin?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Echo magiging Kapuso na rin?!
Echo

Maggi-guest si Jericho Rosales sa Mars Pa More, sa birthday presentation ng mga host na sina Camille Prats (birthday noong June 20) at Iya Villania na birthday sa June 29.

Mas si Iya yata ang babatiin ni Jericho dahil kaibigan nito sina Iya at asawang si Drew Arellano at kasama pa ni Jericho sa riding crew na The Brad Pack si Drew.

Kasama rin sa The Brad Pack sina Paolo Abrera, Sid Maderazo at Ryan Agoncillo na babati rin kina Camille at Iya. Ang solid ng The Brad Pack dahil nakikita namin ang mga larawan nila sa kanilang pagmomotorsiklo at minsan, nagbe-breakfatst pa sila sa bahay nina Ryan at Judy Ann Santos.

Anyway, seconds lang yata ang itatagal ng birthday greetings ni Jericho kina Camille at Iya, pero tiyak na pag-uusapan.

Iisipin ng netizens na baka hudyat na ito na pati si Jericho ay lilipat na sa GMA Network, lalo at may naba-blind item na isa pang Kapamilya actor maliban kay Piolo Pascual ang lilipat na rin sa Kapuso Network.

Si Jericho na kaya ito?

Jennylyn at Dennis, sinasanay na ang mga anak sa isang bahay

Naka-post sa Facebook ni Jennylyn Mercado ang mga larawan nila ni Dennis Trillo noong Father’s Day na kung saan, kasama nila ang anak ni Dennis na si Calix at anak ni Jennylyn na si Jazz. May larawan din sina Dennis at ang two boys at ang ganda ng caption ng mga nag-repost ng pictures na “Dennis and his two boys.”

Hindi ang nakaraang Father’s Day nagsama-sama sina Dennis at Jennylyn with their respective boys, madalas na may family bonding silang apat. Ang fee­ling ng netizens, inihahanda na ng dalawa sina Calix at Jazz, sakaling magpakasal na sila at titira sa isang bahay.

Samantala, naurong sa July ang worldwide premiere ng Legal Wives ni Dennis dahil hindi natapos ang taping na mga last scene pa naman. This June itutuloy ang taping, kaya ang dapat June 21 na premiere ng family drama ay naurong na naman.

Si Jennylyn naman, matagal pa yata magsisimula ang lock-in taping ng bago niyang teleserye sa GMA 7, kaya naggi-guest muna sa ibang shows ng network. Gaya sa Daig Kayo ng Lola Ko kung saan, four Sundays silang magbibida ni Paolo Contis.

Dingdong at Marian, ala-five star hotel ang bahay nung Father’s day

Sa bahay lang nag-celebrate ng Father’s Day sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, pero parang sa five star hotel sila nag-dinner. Dahil ito sa paghahanda na ginawa ni Marian mula sa pagde-decorate sa kanilang bahay at inihandang food.

Naka-relate ang mga mommy sa ginawang setup ni Marian na sinamahan ng toys ang paligid ng area kung saan sila nag-celebrate ni Dingdong ng Father’s Day. Ipinakita nitong kasama sa celebration nila ang mga anak na sina Zia at Ziggy.

May menu pa nga si Marian at nakasulat ang Casa Dantes at ang handwritten food na kinabibilangan ng Dry-Aged Rib Eye, Lobster Lasagna at Spinach Taglet. Ang dessert ay Creme Brulee at fruit cake at may wine pa si Marian.

Ang table setting, para kang nasa restaurant at may kasama pang Father’s Day card na gawa ni Zia na may nakasulat na “Happy Father’s Day Dada.”

Kaya si Dingdong, tuwang-tuwa at ang nasabi na lang ay “Still hungover from yesterday’s treat. Salamat, @marianrivera, for making that extra special. Now back to regular programming.” Sagot ni Marian, “anything for you mahal ko!”

vuukle comment

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with